SIGURADONG hindi magsi-siesta ang mga tao sa Sabado ng hapon simula ngayong November 16 at sa mga Sabado pang darating dahil magbabalik na ang super sayang musical game show na sina Kuya Dick (Roderick Paulate) at Tyang Amy (Amy Perez) na ang maghahatid, ang The Singing Bee!
Kahit katakot-takot na bashing muna ang inabot ni Amy sa kanyang muling pagtapak sa Kapamilya, ang mahalaga sa kanya, naipahatid niya sa pamamagitan ng maayos na usapan sa mga dating bosses niya ang mga pangyayari sa nilisang tahanan. Noon pa man naipaliwanag na ni Amy na malamang nagkasabay-sabay din lang sa kanyang dinaanang post-partum blues o depression ang hindi rin naayos na sitwasyon niya with the staff and all.
Pero ngayon, thankful si Amy sa opportunity na nagbukas lalo pa’t ang suporta ng mga tagahanga ng tambalan nila ni Kuya Dick eh naipahahatid sa kanila gaya ng sa TFC (The Filipino Channel).
Kaya naman for Kuya Dick na tanggap na maikompara siya o sila sa nagsimula nito na si Cesar Montano eh, tanggap niyang it’s part of the game.
“Pana-panahon din naman ‘yan. At hindi naman kami paaapekto. Sa tagal na in the business expected mo na ang ganyang reactions. We will just do and give our best with the goal na mapasaya ang mga tao.”
At the same time, dagdag pa ni Kuya Dick, tuloy pa rin daw ang kanyang pagiging public servant sa Quezon City.
“How can I say no? Nagsimula lang naman ito sa bonding namin uli ni Amay (Amy). Matagal ‘di nagkikita. Hanggang sa may mga feeler na na dumating. Nakita ko si Tita Cory (Vidanes). Ang sabi niya lang sa akin, ‘Uwi ka na’. So, am home.
Inukilkil ang love life ni Kuya Dick.
“Alam mo ‘yan-may dumating, may nawala. May masakit. Mag-showbiz, may non-showbiz. So, ang status ko? Single and ignored. Sana lang, may dumating uli na mahal ako. And I hope it’s going to be better. Ang prinsipyo ko na kasi when it comes to that, kung magiging komplikado rin lang at mahirap, mas gusto ko na to be alone but not lonely, kahit mag-isa ako kaysa naman magulo at masalimuot. Sabi ko kay Lord, ‘Thy will be done’. Whatever plans He has for me, tatanggapin ko.”
As far as the duo’s tandem is concerned, swak na sila dahil very much comfortable na sila bilang ang nagsimula nilang pagsasama noon sa trabaho eh, umabot na sa pagiging beat friends nila all these years.
Per project pa lang daw ang kontrata nila sa Kapamilya. So, ito muna ang unang proyekto nila.
Ang siniguro ng team—mai-enioy ng mga manonood at sasaling mga kalahok ang bago nilang paandar sa musical game show na hindi kailangang mahusay kang kumanta kundi alam mo ang lyrics ng kanta.
Kasama sa musical game show ang The Voice of the Philippines artists na sina Isa Fabregas, Jessica Reynoso, Penelope Matanguihan, Maki Ricafort, at Yuki Ito—ang Songbees bilang resident singers. Ang mga seksing dancers naman ang Honeybees at si Mel Villena at ang kanyang banda ang Bandle Bees.
Unang sasabak sina Carmi Martin, Boboy Garovillo, Ogie Diaz, Eric Fructuoso, at Kiray Celis.
May makapag-uwi kaya sa kanila ng premyong P1-M?
Venus, nilait dahil sa kakaibang hitsura
KUNG may trauma na dinaanan ang Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj sa kanyang buhay, ito ay ang tungkol sa bullying.
Dahil nga sa iba ang hitsura niya at banyaga ang ama—Indian-hindi tipikal na Pinay ang hitsura ni Venus. Kaya sa eskuwelahan eh batikos ang inaabot niya. Tukso, pula, pintas.
Ito ang ipamamalas ng MMK (Maalalaa Mo Kaya) ngayong Sabado, November 16 mula sa research ni Alex Martin, iskrip ni Benson Logronio at direksiyon ni Nuel Naval na si Venus mismo ang gaganap with Amy Nobleza bilang kanyang kabataan.
Isang kuwento ng buhay na makapagbibigay-inspirasyon sa mga kababayan nating lugmok na sa kawalan ng pag-asa ang nais pang ibahagi ng MMK sa tahanan ng mga kuwentong sinasalamin ang istorya ng bawat isa sa atin.
pilar mateo