Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Ejay, may kahilingan ngayong Pasko

MAGTATAMBAL sa kauna-unahang pagkakataon sina Julia Montes at Ejay Falconpara sa panimulang handog ngayong gabi sa Wansapanataym Christmas Special.

Sa episode na pinamagatang The Christmas Visitor, bibigyang buhay ni Julia ang karakter ni Maria na anak ng isang mayamang negosyante na iibig sa janitor na si Joey na gagampanan naman ni Ejay.

Dahil sa kagustuhang makuha ang loob ng ama ni Maria, hihilingin ni Joey sa isang mahiwagang parol na magkaroon siya ng sapat na gamit at masasarap na pagkain sa araw ng pagbisita ng pamilya ng babaeng pinakamamahal niya.

Ngunit nang pagbigyan ang kanyang kahilingan, susubukin ang kabutihang-loob ni Joey nang hingan siya ng tulong ng mga taong mas nangangailangan.

Paano matututuhan ni Joey na mas matimbang ang pagkakaroon ng busilak na puso kaysa pag-aari ng kahit na anong materyal na bagay sa mundo?

Makakasama nina Julia at Ejay sa The Christmas Visitor episode sina Tirso Cruz III, Janice Hung, at Perla Bautista mula sa panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Jon ‘Spongky’ Villarin.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Wansapanataym Christmas Special sa storybook ng batang Pinoy, ngayong Sabado, 6:45 p.m..
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …