Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, pumayag magpa-kuryente habang kumakanta

UMAASA ang singer/songwriter na si Ogie Alcasid na darating ang time na magkakatrabaho muli sila ng kaibigan/kumpare na si Michael V. sa isang comedy sitcom.

Naging espesyal kasing panauhin si Ogie sa Killer Karaoke na si Michael V. ang host.

Ani Ogie, game na game siya sa challenge na ibinigay sa kanya ng show na kinukuryente habang kumakanta ng Pusong Bato na mapapanood sa Nov. 18, 8:30 p.m. sa TV5. Ginawa raw niya iyon dahil na rin kay Michael V.

Dagdag pa nito, matagal-tagal na rin daw silang hindi nakapagtatrabaho ni Michael V . pero hindi naman daw naputol ang kanilang komunikasyon dahil palagi pa rin naman silang nag-uusap by phone at nagkukumustahan.

Very honest pa ngang sinabi nito na humihingi siya minsan dito ng pointers sa ginagawang pagpapatawa at hindi siya nahihiyang sabihin ito dahil ‘yun naman daw ang totoo. Darating din daw ang oras na magkakasama silang muli, hindi lang alam ni Ogie kung saan at kung kailan, pero alama niyang mangyayari ‘yun.

Kcee at Ron ng UpGrade, pinasok na ang pag-arte

FROM singing and dancing ay pinasok na rin ng ilan sa miyembro ng pinakasikat na all male group sa bansa, ang UpGrade na sina Kcee Martinez at Ron Galang ang pag-arte.

Napanood nood si Kcee Valiente, Maynila, at Makapiling Kang Muli, samantalang napapanood naman ngayon sa Got To Believe si Ron bilang isa sa kabanda ni Daniel Padilla.

Pero kahit umaarte na ang dalawa ay hindi naman daw nila iiwan ang kanilang grupo. Katunayan, kasama silang magso-show sa Nov. 16 sa SM Tarlac; Nov. 17 SM Taytay; Nov. 30 SM Lipa kasama ang Full Force at ang Japaneses/Pinoy singer na si RYU Morikawa at sa  Glorieta 4 (One Direction album launch and Grand Fans day) .

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …