PAYAG daw si Julia Barretto na maging bahagi ng love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Parte lamang daw ito ng kanyang trabaho bilang aktres, kaya sinabi ni Julia na wala itong problema sa kanya, sakaling ganito ang magi-ging desisiyon ng mga bossing nila.
Pero nilinaw niyang ayaw niyang makasira ng love team ng top stars ng top rating na Got To Believe.
Itinanggi rin ni Julia na binisita siya ni Daniel sa taping ng soap operang Mira Bella na pinagbibidahan ng dalaga nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
Saad ni Julia, “Hindi po totoo ‘yun. Hindi po ako ang dinalaw kasi wala po ako noong day na ‘yon sa set. Kasi appa-rently ‘yung mga tao ng Mira Bella, same production ng Growing Up, so kilala niya. Pinuntahan niya ‘yung mga EPs, si Direk Jerome, pero wala po ako noon.”
Tila may mga gustong i-push na magkaroon ng bago o ibang ka-love team si Daniel, pero kuwidaw, sa aking palagay ay delikado ito.
Baka kasi mag-back-fire ito. Bakit ba kailangan bulabugin ang isang matatag na love team nina Daniel at Kathryn? Wala akong maisip na rason, except para mas paingayin ang career ni Julia.
Pero sa tingin ko nga ay risky ito. Dahil sure akong papalag dito ang mga maka-Kathryn and even iyong mga Kathniel fana-tics. Tiyak na magpuputok ang butse ng sandamakdak na Kathniel fanatics kapag nangyari ito.
Sa huli, baka lumabas pang kontrabida si Julia dahil parang inaagaw niya si Daniel kay Kathryn. Kaya posibleng maging nega pa ang epekto nito kay Julia kung ipagpipilitang itambal ang dalaga kay Daniel.
Cristina Gonzales, namiligro ang buong pamilya sa bagyong Yolanda
NALAGAY sa peligro ang buhay ng dating aktres na si Cristina Gonzales pati ang dalawang anak na sina Sofia at Diana, plus ang asawang si Alfred Romualdez na siyang alkalde ng Tacloban City.
Sa kuwento ng dating aktres at ngayo’y isa sa councilor sa Tacloban City, tinangay daw ng malakas na hangin ang bubong ng kanilang bahay. Pero mas matindi pa ang kasunod nito dahil sa storm surge na naging dahilan para muntik na silang tangayin papuntang dagat.
Kinailangan daw nilang kumapit sa nasirang kisame ng kanilang bahay para hindi sila ta-ngayin ng rumaragasang tubig. Binutas din daw nila ang kisame para mabuhay lang.
Naisip daw ni Cristina na iyon na ang katapusan ng kanilang buhay. Ngunit pinilit niyang magpakatatag para sa kapakanan ng mga anak na ang isa ay ini-lagay niya sa kisame para huwag tangayin ng tubig palabas ng kanilang bahay.
Pinabulaanan din niyang hindi mahagilap si Mayor Alfred, dahil noong oras ng kalamidad ay nag-iinspeksiyon daw ito sa kanilang constituents. Katuna-yan, ang mister pa raw niya mismo ang nagmaneho ng bulldozer na ginamit sa pagsasa-ayos ng isang partikular na ruta patungong airport.
Itinanggi rin ng da-ting aktres ang bintang na hindi sila handa sa pagdating ng bagyong Yolanda. Ayon kay Cristina, tatlong araw bago dumating ang bagyo ay nagsagawa na sila ng preemptive evacuations at may relief goods nang ihinanda sa iba’t ibang bahagi ng Tacloban.
Tugon ito ng dating aktres na kilala rin bilang Kring Kring sa ilang bumatikos dahil hindi raw naging handa ang Tacloban para sa naturang bagyo. Kabilang si Presidente Noynoy Aquino sa bumatikos sa umano’y hindi pagiging handa ng Tacloban sa bagyong Yolanda. Dahil sa pahayag na ito ni Pnoy ay maraming tao, lalo na ang mga netizens ang nagalit at nag-react. Dahil imbes daw na tumulong at magbigay ng inspi-rasyon sa mga mamamayan, nanisi na naman daw si Pnoy.
Sinabi rin ni Kon. Cristina na sa mga susunod na mga araw ay plano niyang magpaabot ng pasasalamat sa mga artistang nag-donate at tumutulong sa fund raising para sa Tacloban. Pinasalamatan din niya ang mga Winaray at Taclobanan na naninirahan sa Metro Manila na nag-volunteer sa pag-repack ng mga relief goods.
Nonie V. Nicasio