Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mercedes Cabral, bayarang babae?!

HINDI pa rin natutuklasan ni Carlo Santillan (Martin Escudero) kung kanino sino sa mga nakatalik niya ang naghawa sa kanya ng HIV. At sa pagpapatuloy ng Positive ngayong Huwebes, ipakikilala si Chiqui (Mercedes Cabral), isang bayarang babae na kasama sa mahabang listahan ng mga nakatalik ni Carlo.

Kung nakita ninyo ang grabeng lovescene ni Martin kay Rufa Mae Quinto, mainit at mapusok din ang mga eksena nila na mapanonood ngayong gabi.

Nakilala ni Carlo si Chiqui sa isang bar noong panahong siya’y binata pa at pabaya sa kanyang kalusugan. Naging parokyano ni Chiqui si Carlo at madalas silang nagkikita para mag-sex. Nang maramdaman ni Carlo na sineseryoso na siya ni Chiqui, unti-unti na lamang nawala ang binata sa buhay ni Chiqui at tuluyan nang hindi nagpakita.

Ngayong positibo si Carlo sa HIV at AIDS, hahanapin niya si Chiqui upang malaman kung ito ba ang nakahawa sa kanya.

Matapos ang apat na taong ‘di pagkikita, makakaharap muli ni Chiqui si Carlo. Sasabihin ni Carlo na may AIDS siya, at kukumbinsihin si Chiqui na magpatest upang malaman kung sa kanya iyon nakuha. Isang galit na galit na Chiqui ang makakaharap ni Carlo na papayag lamang magpa-HIV test sa malaking halaga.

Samantala, mas tumitindi ang pagdududa ng asawa ni Carlo na si Janis (Helga Krapf) sa kanyang asawa. Susundan niya si Carlo at mahuhuli niya itong kasama si Anne (Bianca Manalo).

Malalaman ba ni Carlo ang HIV status ni Chiqui? Saan niya kukuhanin ang perang ipambabayad kay Chiqui? Siya nga ba ang nakahawa kay Carlo? Ito ang malalaman ngayong gabi kaya tutok na sa Positive ngayong Huwebes, 9:00 p.m. sa TV5!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …