MANY showbiz insiders speculate na may kaugnayan daw sa planong pagtakbo sa politika niBoy Abunda ang ngayo’y reformatted nang Sunday program niya, from The Buzz to Buzz ng Bayan.
The King of Talk is open about his gubernatorial pursuit in his native Samar (mula siya sa bayan ng Borongan) come 2016 national elections.
Tulad ng mga ilang episodes ng BnB, ang noo’y studio audience lang that surrounded the set ofThe Buzz is now taking part in the thematic discussion, na ayon nga sa ilang mga kasamahan sa panulat comes close to the format of the now-defunct Mel & Jay or Mel & Joey.
Ang kaibahan nga lang, BnB strives to still be showbizy that now tackles current issues.
Ayon sa mga espekulasyon, kailangang maging interactive ang BnB to make it more appealing to the mas base na siya ring kumakatawan sa karamihan ng mga botante.
But with or without reformat, Kuya Boy is already a shoo-in sa puwestong nais niyang masungkit: what with his brilliance, connections and ability to assimilate sa bagong larangang tatahakin. Kay Kuya Boy namin mismo narinig na nais niyang tulungan ang buong lalawigan ng Samar in alleviating the lives of its people na karamihan ay lugmok sa kahirapan.
Suportado naman daw siya ng kanyang tahanan, ang ABS-CBN, sa hangarin in seeking an elective post in the name of public service.
Pag-aalala kay Nanay Lising
STILL on Kuya Boy, habang isinusulat namin ito’y lampas kalahati pa lang ang kanyang inilalagi sa Amerika on a two-week vacation with Bong Quintana, his domestic partner of 30 years.
May isa pang linggo ang kanilang stay sa US kung kailan naman napabalitang tatama at tumama nga ang bagsik ng super bagyong Yolanda sa Eastern Visayas nitong November 8, Biyernes.
Before leaving for the US, siniguro muna ni Kuya Boy ang kalagayan ng kanyang ina, si Nanay Lising, who’s under the care of a private medical team. Kampante siya na habang wala sila ni Bong sa bansa ay natututukan naman si Nanay Lising sa Borongan.
Pero naimadyin na namin kung gaano kabalisa ang King of Talk when initial weather reports spread about Yolanda. Gustuhin naman nila ni Bong na i-cut short ang kanilang bakasyon para makauwi ng Pilipinas, naisyu na ang flight advisory sa mga kanseladong biyahe.
Lalo pa sigurong ikinabahala ni Kuya Boy ang pagbagsak doon ng mga utilities tulad ng mga linya ng komunikasyon, thus making it difficult and anxiety-causing for him to contact anyone from Borongan.
Barretto family, walang respeto sa isa’t isa
NILINAW ni Annabelle Rama sa isang event na iba raw ang kanilang pamilya sa angkan ng mga Barretto, even proudly saying that unlike the latter, silang mag-asawa raw ay nagtatrabaho at hindi dumedepende sa kanilang mga anak.
May punto ang feisty showbiz mom. But the issue with the Barrettos is not about the parents having or not having means to survive on their own para makaiwas sa pag-abot-abot ng mga anak.
The issue is about respect for each other: respeto ni Mrs. Inday Barretto sa kanyang anak, at gayundin ni Gretchen sa kanyang magulang.
Mayroon man o walang naiaabot na pinansiyal o materyal na bagay ang anak sa kanyang magulang does not give the child the license to curse her mother, and vice versa.
Ronnie Carrasco III