AMINADO ang veteran actress na si Miss Vivian Velez na kakaibang excitement ang ginawa sa kanya ng pelikulang Bendor, na isa sa kalahok sa Cinema One Ori-ginals digital film festival.
Sinabi ni Vivian na gustong-gusto niya ang kanyang role rito. “I love my role in Bendor because it’s something out of the box, I play the role of a vendor in Quiapo and I’m deglamorized in the film.
“No make-up, big size clothes and all of that and the language, ‘yung language ko is so different. Ang daming preparations, in fact, it’s the only film na nagawa ko na talagang no make-up, no nothing, talagang deglamo-rized… very challenging,” saad ni Vivian.
“Bendor shows how the lead character Blondie struggled through life, threading various challenging obstacles, while dealing with hurt alone. She has chased happiness all her life, that continued to elude her,” dagdag pa ng versatile na aktres.
Sa pelikulang ito ni Direk Ralston Jover, ginampanan dito ni Vivian ang tindera ng kandila sa Quiapo na nakikibaka sa araw-araw na pagsubok ng buhay.
Dahil sa pelikulang ito, sinabi ni Vivian na handa siyang gumawa pa ng mga challenging role sa indie film sa hinaharap. “I enjoyed doing indie films kasi edgy palagi. So I would like to do another one, another two, another three for as long as maganda ‘yung project.”
Bukod kay Vivian, tampok din sa Bendor sina Sue Prado, Evelyn Vargas, Anna Luna, Lester Llansang, Chanel Latorre, Nico Antonio, at Czarina Alcantara.
Rep. Lucy Torres, nanawagan ng tulong para sa Leyte
HUMINGI ng tulong si Rep. Lucy Torres sa pama-magitan ng Instagram para sa kanyang distrito at iba pang munisipalidad ng Leyte na matinding tinamaan ng hagupit ni Yolanda, ang pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo!
Bukod sa mga nasirang gusali at tahanan, nakita ang maraming patay sa kalsada sa mga lugar na ito, nawalan din sila ng koryente at komunikasyon.
Hindi pa malinaw ang eksaktong listahan ng mga mga namatay sa kalamidad, may mga nagsasabi na hi-git 1,000 tao raw, ngunit mayroon din unverified reports na posibleng umabot sa 10,000 tao ang namatay sa matinding kalamidad na ito. Sa Tacloban City pa lamang ay may 500 na ang kompirmadong namatay, ayon kay Southern Leyte Governor Roger Mercado.
Matapos ang hagupit ni Yolanda, ginamit ni Lucy ang Instagram upang ipa-abot ang kalagayan ng kanilang lalawigan. Kabilang sa mga posts ng actress/politician ay: “Please help. The damage to property is catastrophic. So many are homeless already, and another problem is that in 36 hours another storm is reportedly coming.
“We need to keep the people dry and warm, thus the need for blankets and tents. Medicines, too, please. Thank you. God is merciful and kind, always.”
“UPDATE: Ormoc, Palompon, Merida, Albuera are badly hit. So far, the greatest da-mage is to property.
“Reports of casualties are minimal but I do not want to speculate until reports are official.
“Generally, people are well and alive but traumatized and homeless. I suppose it is the same situation in Kananga, Isabel, Ma-tagob.
“Power is still out, signal is intermittent. Most structures are damaged and roofless if not totally wiped out. Highways are choked, there is still no water and electricity as of this moment.”
Tiniyak din ni Rep. Lucy sa mga magkakaloob ng donasyon na makararating ang kanilang tulong sa mga nangangailangan. “A website is being set up where all donations in cash and kind will be posted. I will give the web address as soon as it is up and running. Recipients will also be posted in the website.
“I want you all to know where your donations are going — down to the last cent, last blanket, last tent, last bottle of water. Thank you very much. God bless the Philippines.”
Samantala, si Kris Aquino naman ang kabilang sa mga naunang nagbigay ng tulong sa panawagan ni Lucy. Nagbigay ng P400,000 si Kris at narito ang post ni Lucy ukol dito, “Numerous pledges have poured in and first physical check donation is here. Thank you @krisaquino214! May your generosity be rewarded a millionfold.”
Nonie V. Nicasio