Friday , November 22 2024

The Singing Bee, bee-birit na sa Sabado (Tambalang Dick at Amy, nagkabalikan na…)

AMINADO kapwa sina Roderick Paulate at Amy Perez na hindi maiaalis na maikompara sila kay Cesar Montano (na unang nag-host nito) sa muling pagbirit ng The Singing Bee na magsisimula na sa Sabado, Nobyembre 16 sa ABS-CBN2.

Pero iginiit nina Amy at Dick (tawag kay Roderick) na isang malaking kasiyahan na at oportunidad sa kanila ang muli silang magsama sa isang show. “’Hindi maiiwasan ‘yun, it’s part of the game. The best thing na lang to do is to give your best. Hindi kami nagpapa-apekto sa mga ganyan kasi kanya-kanyang style naman ‘yan,” sambit ni Kuya Dick.

“I’m very happy na nabigyan kami ng opportunity to work again and be back on TV. Masarap ding isipin na makapagpapasaya kami ng tao, light lang itong show namin,” giit naman ni Amy.

Tama naman ang tinuran kapwa nina Kuya Dick at Amy, ang mahalaga ay ang mapasaya ang mga manonood. Kung kami nga sa sandali naming naranasan ang maging contestant sa kanilang The Singing Bee sa presscon kahapon, bagamat nakakakaba, naging masaya iyon at exciting.

Kaya abangan sina Amy at Kuya Dick sa mala-fiesta sa musika at sayang hatid ng musical game show na The Singing Bee na BEE-birit na simula ngayong Sabado.

Lahat ay ‘in’ sa game show dahil hindi importante kung sintunado ang boses mo basta tama ang lyrics mo. Dobleng saya ang ihahatid nito ngayong season dahil sa kuwela, kilig, at aksiyong ihahatid ng hit na tambalan nina Dick at Amy.

“Mawawala ang mga problema at stress niyo sa buhay dahil ito ang show na purong masaya lang. Perpekto rin ito sa atin dahil likas na music lovers ang mga Filipino,” ani Amy.

“Siguradong papatok ito dahil walang filipinong ayaw ng kasiyahan. Dito pwede kayong makikanta, makisayaw, at makihula,” dagdag naman ni Dick.

Kaya ngayong Sabado, samahan sila sa kanilang unang episode na magtatapat-tapat ang ilan sa mga pinakamalalapit na kaibigan nina Dick at Amy sa industriya na sina Carmi Martin, Boboy Garovillo, Ogie Diaz, Eric Frutuoso, at Kiray Celis para sa jackpot prize na P1-M.

Bukod kina Amy at Dick, sasamahan sila ng super gagaling kumanta na mula a The Voice of the Philippines” artists na sina Isa Fabregas, Jessica Reynoso, Penelope Matanguihan, Maki Ricafort, at Yuki Ito bilang Songbees o resident singers ng programa na siyang magbibigay-buhay sa pahuhulaang mga awit sa mga kalahok. Magbabalik naman ang bandang Bandle Bees sa pangunguna muli ng beteranong musical director na si Mel Villena pati na rin ang seksing mga dancer na Honeybees.

Kung nakalimutan niyo na kung paano nga ba lalaruin ang naturang musical show, magkakaroon ng apat na kapana-panabik na rounds ang The Singing Bee. Limang indibidwal ang maglalaban-laban sa una at elimination round nito na To Bee Continued na durugtungan ng bawat kalahok ang kantang pangungunahan ng “Songbees.” Ang unang apat na may tamang sagot ang magpapatuloy sa ikalawa at ikatlong round.

Susundan ito ng Jumble Bee na aayusin ng bawat kalahok ang pinagbali-baliktad at ginulong lyrics ng kanta sa tama nitong pagkakasunod-sunod. Bawat tamang sagot sa round na ito ay may katumbas na dalawang puntos.

Pagdating naman sa Beedeoke ay halinhinang kakantahin at pupunan ng apat na natitirang kalahok ang mga nawawalang lyrics sa isang kanta. Bawat isa sa kanila ay may tatlong patlang na kailangang hulaan at kada tamang sagot ay katumbas ng tatlong puntos.

Kung sino man ang may pinakamataas na puntos mula sa ikalawa at ikatlong round ay siya namang sasabak sa Final Countdown at haharap sa defending champion.

Sa jackpot round na Final Countdown, sasalang muna sa Manuhan ang finalists para malaman kung sino ang unang susubok para makuha ang milyon. Magbibigay ng pangalan ng singer ang hosts at ang unang makapindot ng buzzer at makapagbigay ng kahit anong titulo ng kantang inawit ng nasabing singer ang siyang mauuna at may prebilehiyong pumili ng kategoryang kanilang lalaruin.

Kasunod nito, kinakailangang mahulaan ng unang finalist ang apat sa pitong nawawalang lyrics ng pitong magkakaibang kanta. Bawat tamang sagot ay katumbas ng P20,000 at sa oras na makakuha siya ng apat na tamang sagot ay panalo na siya ng P1-M. Ngunit, sa oras na magkamali ang unang finalist ay may pagkakataon ang ikalawang finalist na mag-steal at masungkit ang jackpot. Ang mananalo sa Final Countdown ang  tatanghaling champion na babalik sa susunod na episode para idipensa ang kanyang titulo.

Maki-BEErit sa bagong BEEsyo ng bayan na The Singing Bee sa Sabado (Nob 16), pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *