LAST Sunday, bilang pakikiisa sa lahat ng mga kababayan natin partikular na sa Tacloban, Leyte na matinding naapektohan ng super typhoon Yolanda, nagkaroon ng live telethon ang Musical Show nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa TV 5 na “The Mega and The Song Writer” na tinawag nilang “Kanta at Biyaya.” Matindi ang naging impact ng panawagan ni Shawie sa televiewers especially sa kanyang Sharonians.
Nakabibilib naman dahil sa ilang oras na telethon ng programa nila ni Ogie kasama si Gellie de Belen ay nakalikom agad ang megastar ng P24 million. Malaking parte ng halagang nakuha nila ay galing sa philanthropist na si Mr. Manny Pangilinan at ng mga kompanya nito. Hindi lang ‘yan, nag-pledge rin ng kanilang tulong ang mga produktong ini-endoso ng nanay-nanayan namin sa showbiz (Sharon) tulad ng McDonalds at Tempra. Well, isa lang ang ibig sabihin niyan hanggang ngayon ay malakas pa rin talaga ang karisma ni mega sa publiko. By the way, bukod pa riyan ay nagbigay rin ng kanyang sariling pera ang sikat na singer-actress host na hulog ng langit sa mga nabiktima ng hagupit ni Yolanda.
Kahanga-hanga naman gyud!
FAIRYTALE WEDDING NINA RICHARD AT MAYA PINABONGGA NANG HUSTO
BUKOD sa daang talents na kinuha para sa taping ng Kasal nina Richard Lim (Richard Yap) at Maya dela Rosa (Jodi Sta. Maria) para sa kanilang kilig-serye na “Be Careful with My Heart” na tinawag nilang “The Fairytale Wedding of the Year.” Na mapapanood nang buong-buo bukas pagkatapos ng “Minute to Win It.” Nag-hire ng maraming photographers ang ABS-CBN na magco-cover ng Richard Lim and Maya dela Rosa Nuptials na ginawa sa isang kilalang simbahan sa Laguna. Hindi lang ‘yan ginawan rin ng Music Video ang dalawang bida ng No.1 Daytime Show in the Philippines at kinuha pa ng Kapamilya network si Gerald Salonga para tumugtog sa wedding ceremony kasama ang Mandaluyong Children’s Choir. Marami rin mga surprise celebrity guest at s’yempre kompleto ang bawat pamil-ya ng ika-kasal kasama na ang tatay ni Maya na si Arturo (Lito Pimentel). Kaya’t huwag palalampasin ang kasalang magaganap sa “Be Careful with My Heart” na tiyak na kakikiligan ninyong lahat.
PAMILYANG PINOY HENYO GOES NATIONWIDE
Para mapabigyan ang maraming pamilya
sa iba’t ibang parte ng Filipinas. Ginawang nationwide ng Eat Bulaga ang kanilang Pamilyang Pinoy Henyo. Nag-umpisa na ito at para sa mga nag-aasam na makasali abangan kung saan lugar tutungo ang Eat Bulaga Team para sa malawakang audition. Yes, dadayo ang ating mga Bulaga Dabarkads sa Luzon, Visayas at Mindanao para makahanap ng contestant. Aba! Anlalaki ng premyong cash na puwede niyong mapanalunan dito. Sa daily ay may chance kayong manalo ng P50K. Sa weekly naman at monthly finals aabot sa daan-libong piso ang tatanghaling winner na Pamilya.
Peter Ledesma