Monday , December 23 2024

Pokwang, ka-level na nina Ai Ai, Eugene, at Vice dahil sa Call Center Girl

SINASABING ANG Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang at release ng Star Cinema at Skylight daw ang pinakamalaking comedy film ngayong season! Ito rin daw ang pelikulang magpapakita sa tunay na galing ng isang Pokwang.

Bakit ‘ika nyo?! Bukod kasi sa naglalakihang artista ang kasama ni Pokwang tulad nina Jessy Mendiola at Enchong Dee, idinirehe pa ito ng seasoned director na si Don Cuaresma na kilala sa kanyang magagaling na produkto at top-rating shows ng ABS-CBN gaya ng Ina, Kapatid, Anak; Maria la del Bario; Rubi, at 100 Days To Heaven. Kasama rin ang magaling na scriptwriter na si Riza Gazmen na bahagi ng creative team ng mga blockbuster movies ng Star Cinema na No Other Woman, Sisterakas, at Ang Tanging Ina Nyong Lahat.

Pampamilya ang Call Center Girl na para mas matuwa ang mga manonood ay isinama ang mga naggagalingang komedyante na sina Chokoleit, K Brosas, Ogie Diaz, at John “Sweet” Lapus. Sinuportahan din sila nina Ejay Falcon, Dianne Medina, Alex Castro, at Aaron Villaflor.

Ang roller-coaster comedy na ito ay naka-set sa backdrop ng lumalaking call center industry sa Pilipinas.

Sobrang hinangaan ni Direk Don ang galing ni Pokwang sa pagkokomedya na akala mo’y walang effort sa pagpapatawa. “Matagal-tagal na rin nating hindi nakikita si Pokwang bilang bida sa isang comedic role sa pelikula,” ani Cuaresma. “Napaka-impeccable ng kanyang comedic timing at hangang-hanga ako sa flare at luster niya sa comedy. Equally very brilliant din sina Enchong at Jessy sa pelikulang ito. Natural na komedyana si Jessy at muli na namang ipinakita ni Enchong ang very wide impressive range niya bilang isang actor.”

Sa husay at pagka-versatile ni Pokwang na tiyak tatabo rin sa takilya ang pelikula, maaari na siyang ihilera kina Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo, at Vice Ganda.

Ang pelikula ay nakasentro kay Teresa (Pokwang) na desperado sa pagbuo ng nasirang pamilya at i-win back ang affections ng kanyang estranged daughter na si Regina (Jessy). Sa hindi inaasahang pagkakataon, napasabak si Teresa (na nagtatrabaho sa isang cruise ship sa loob ng 13 taon) sa trabaho sa isang call center na namamasukan din ang kanyang anak na si Regina. Para kay Teresa, ito ang perfect opportunity para ma-rekindle ang nasirang relasyon nila ng kanyang anak.

Sinabi naman ni Pokwang na pampamilya ang kanyang pelikula, “With our very talented ensemble cast which consists of the industry’s finest comedians, it is guaranteed that audiences will surely laugh out loud and roll in their seats. But at the very core of the movie is a loving mother who will do anything to give her family a better chance of life. I can very much relate to my character because I myself ‘am willing to make all the necessary sacrifices to ensure a bright future for my child.”

Mapapanood ang Call Center Girl sa Nob. 27.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *