Sa November 16 na magaganap ang One Dream: A benefit Show na handog ng Candent Learning Haus, isang learning center ng mga differently-abled persons na nakabase sa BF Homes Paranaque. Rito’y tampok ang mga baguhang mukha sa local entertainment scene tulad nina rapper OG Sacred, singer Gabe Seballos, at singer-heartthrob Jacob Gayanelo.
Kasabay ng concert ang ika-pitong anibersaryo ng CLH na ipakikita rin ang mga talento at husay ng mga CLH student—children and adults na may kakayayahan sa learning needs at disabilities at ang mga makikisali sa iba’t ibang variety of individualized programs. Ang CLH’s very own garage bands na Les Mixx, Chance, Bandang Joji ay magpagpapakita rin ng kanilang talento para makadagdag saya sa araw na iyon.
Gaganapin ang concert sa auditorium ng Elizabeth Seton School sa BF Resort Village, Las Piñas City, 4:00 p.m. Layunin ng programang ito na makalikom ng pera para matustusan ang pagpapagawa sa bagong bahay na mas malaki at ligtas na building na puwedeng i-accommodate ang lumalaking bilang ng mga estudyante ng CLH.
Taong 2006 unang itinayo ang CLH ng mag-asawang Benjie Santos at Joji Reynes-Santos. Si Teacher Benjie ay isang inhinyero samantalang si Teacher Joji naman ay nagtapos ng kanyang MAEd in Reading Education and BSE major in Special Education mula UP Diliman. Kapwa may karanasan ang dalawa sa pagtuturo sa mga bata at simula pa man ay naisip na nilang magtayo ng isang lugar na akma para sa mga differently-abled individuals na puwedeng magkaroon ng quality education at training. Kaisa rin ang CLH sa adbokasiya ng pantay na karapatan at oportunidad para sa differently-abled.
“We aim to help improve the quality of life for our students, and help them become more independent, empowered, productive and happy,” says Teacher Joji. “We take a two-pronged approach: first is addressing their specific needs, and then also partnering with their families and communities to create a better environment for them.”
Malawak ang programa ng CLH ito ay ang mula sa playgroup at educational intervention for children, workshops in math, science and reading; Homeschool Partnership Programs, summer, sports and leisure camps, hanggang sa training sa vocational skills na makapagbibigay ng trabaho at tamang lugar sa mga estudyante. Mayroon ding opportunity ang mga underprivileged student na makapag-aral sa pamamagitan ng scholarships at discounts.
Ayon nga kay Teacher Benjie, “We believe that differently-abled individuals are capable of becoming more than just dependent. We want to enable and empower them to achieve this potential.”
Kung gusto ninyong makiisa sa adhikaing ito, maaaring tumawag sa (02) 8258757 o mag-email sa [email protected]. Your support will be highly valued.