Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen, ibinili na ng lupa’t bahay ni Vic?

HINDI mapigilang sabihin ni Pauleen Luna na mas madalas pa nga siyang magbigay ng regalo kay Bossing Vic Sotto dahil sa intrigang kinakuwartahan lang daw niya ang sikat na komedyante at TV host ng Eat Bulaga.

“Okey lang..sakto lang,” sey niya kung lagi ba siyang nakatatanggap ng gifts sa boyfriend niya.

“In general ito ha, hindi porke’t nagbigay ng regalo ang lalaki sa babae, gold digger  na ang babae especially kung magkarelasyon kayo,” sey pa niya nang makatsikahan namin ito sa isang presscon.

Makikita naman daw kung pure ‘yung realsyon dahil kung masamang intension masisira’t masira raw ito.

Basta, nanahimik na lang daw siya at masipag siyang magtrabaho.

Sa true lang, hindi naman niya kailangang mag-work dahil kaya naman daw siyang suportahan ng kanyang pamilya pero gusto niyang maging independent at gusto niyang kumikita ng sarili niyang pera. Riyan pa lang very contradicting na sa mga ibinibintang sa kanya.

“I’m so tired of justifying of what we have. Kaya kami, nanahimik na lang kami. We just gonna let time speak for our relationship,” deklara pa niya.

Itinanggi rin ni  Pauleen ang chism na may binili na raw si Vic  na lupa’t bahay sa isang sosyal na village sa Laguna para sa kanilang dalawa

Bong, may 2 nominasyon sa PMPC Star Awards for TV

KAHIT maintriga ang political career ni Senator Bong Revila, humahataw pa rin ang kanyang showbiz career. Sa field na ito ay maraming magpapasaya sa kanya at hindi mai-stress. Isa na rito ang natanggap niyang nominasyon sa PMPC Star Awards for TV na gaganapin sa November 24 bilang Best Drama Actor sa seryeng Indio at Best Educational Show Host sa Kap’s Amazing Stories.

‘Lam mo na!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …