INAMIN ni Robi Domingo nang makausap namin siya na niligawan niya noon si Jessy Mendiola nang nagkasama sila four years ago sa isang serye ng ABS-CBN 2, ang Boys Town.
“Hindi ko na lang itinuloy kasi siguro iba ‘yung priorities namin that time. Parang nag-usap kami na okey mag-aral muna ako tapos siya would go into her career kasi alam ko pagkatapos ng ‘Boys Town’, nag-‘Sabel’ na siya,” simulang kuwento ni Robi.
“Eh sabi ko, kung magsa-‘Sabel’ ka, ako mag-aaral, hindi ito magwo-work, so, hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari. Kasi ‘pag nagmahal ako, gusto ko todo-todo, walang preno. Hindi puwedeng kakapiranggot lang,” aniya pa.
Nagtapos na si Robi ng kanyang pag-aaral ng kursong Health Sciences sa Ateneo de Manila. Kaya naman nabigyan niya na ng time ang kanyang lovelife. Maligaya siya ngayon sa piling ni Gretchen Ho.
(ROMMEL PLACENTE)