Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Childhaus, 10 taon na!

110913 grr
ISANG natatanging pagdiriwang ang ginanap noong October 28 para sa ika-10 anibersaryo ngCHILDHAUS, ang bahay tuluyan ng mga batang may cancer galing sa malalayong lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao na kailagan ang mga treatment tulad ng chemotherapy, dialysis, blood transfusion, atbp..

Ang unang naging tahanan ng mga bata ay sa PCSO Compound sa malawak na Quezon Institute sa Quezon City.  Itinatag ito ng Ricky Reyes Foundation, ni dating PCSO Director Honeygirl Singson, at dating MMDA Chairman Bayani Fernando.

Mula sa isang lumang building ay ni-renovate ito at sa loob ng pitong tao’y mahigit 10,000 maysakit ang inalagaan na ang sponsor ay ang Ricky Reyes Salon Managers, Fil-Hair Coop,Women In Travel, Rotary Club of Salcedo, Makati at marami pang taong may gintong puso.

Nang paalisin sa PCSO Compound ay inilipat ni Mader Ricky sa isang inupahang bahay ang mga bata sa Project 8, Kyusi. Matapos ang isang taon doon ay dumating ang fairy godfather ng Childhaus na si G. Hans Sy ng SM Group of Companies. Sa lupa’t bahay na regalo ni Hans nagdaos ng 10th birthday ang Childhaus na ang panauhing pandangal ay sina Hans at Carol Sy.

Dumalo rin ang mga celebrity tulad nina Zsa Zsa Padilla, Daniel Padilla, Gino Padilla, Karylle, Abra, Rita de Guzman, Ogie Diaz, at Henry Omaga Diaz ng ABS-CBN at Gigi Santiago Larang GMA News TV.

Ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh(GRR TNT) ay masasaksihan ang okasyon na ginawaran ng certificate of appreciation ang mga Ninong at Ninang ng Childhaus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …