Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Problema ni Raymart kay Claudine, isinasantabi ‘pag nagtatrabaho

SA totoo lang eh, mas makisig si Raymart Santiago kaysa noong couple pa sila ng ex-wife na siClaudine Barretto. Mas bagay pala sa kanya na magkaroon ng family problem dahil sa magandang anyo niya ngayon.

Sagot niya sa mga pumapansin sa kasalukuyang hitsura, ”Kasi kailangan ko ring ayusin ang hitsura ko dahil kailangan sa trabaho, eh kung yayanggot-yanggot ako, walang offer sa akin. Lucky ako at malaki ang pasalamat ko sa GMA7 na patuloy na nagbibigay ng trabaho sa akin. Itong role ko sa new primetime, kami nina Sunshine Dizon at Paolo Contis ang love triangle at ang mga bida ay sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, thanks kina Ma’am Lilybeth Rasonable, Redgie Acuna-Magno, Cheryl Ching Sy and program manager Camille D. Hermoso at kina Direk Jun Lana at lahat ng mga tumutulong sa akin, lalo sa Mommy ko, mga kapatid ko, sa mga movie press na hanggang ngayon all out ang support sa akin noon at ngayon, may problema man o wala.

“Okey ako ‘yung family problem ko kay Claudine set aside, ‘di ko isinsama sa trabaho ko, hinaharap ko ‘pag oras ng paghaharap namin or sa mga itinakdang pagdinig ng hearing,”malumanay na sagot ni Raymart sa press.

At nag beg off siya ng ibang tanong regarding the case na demanda ni Claudine, na dinidinig na sa korte. Oo naman bawal nang pag-usapan ang iba pang malalalim na tanong.

Stardom nina Elmo at Janine, ‘di imposible

GULAT kami kina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, ang new tandem at first lead role nila sa new daytime prime show sa GMA7. Very early daw ang stardom sa dalawang bagets pero hindi nangangahulugan na hindi nila deserve ang magbida agad sa isang big project.

Eh, sa totoo lang dalawa lamang sina Elmo at Janine sa magagaling na artista ng network. Eh, malakas ang daloy ng dugong artista sa kanilang mga ugat. Aba, may pinagmamanahan kaya. Si Elmo ay anak ng yumaong actor-TV host-singer rapper na si Francis Magalona, apo ng mga magagaling na artista na sina Tita Duran at Pancho Magalona.

Si Janine naman ay anak nina Lotlot De Leon at Ramon Gutierrez, apo nina Pilita Corrales atEddie Gutierrez at Christopher De Leon at Nora Aunor. O, saan ka lalagay niyan!? ‘Ika nga, purong-puro ang dugong artista sa kanilang mga ugat. Full of talent na mahirap pagsamahin sa isang artista.

Si Gina Alajar ang director. Grabe parang pelikula na naman ang nasabing serye.

Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …