Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, inatake ng asthma kaya biglang naisugod sa ospital

ISINUGOD sa hospital noong Lunes si Ms Ai Ai de las Alas dahil inatake ng asthma kaya’t pack-up ang last taping ng Toda Max noong Miyerkoles.

Hanggang kahapon ay ka-text pa rin namin ang komedyana at nasa hospital pa rin daw siya at hindi pa puwedeng lumabas maski na medyo okay na.

Kuwento ng assistant ni Ms A na si Andy, sobrang napagod daw ang komedyana at hirap ng huminga kaya kinailangang itakbo ng hospital.

Samantala, ayon kay Direk Malu Sevilla, “sa Tues (November 12) na lang po ang taping namin” na hindi itinuloy ang taping ng wala ang comedy queen dahil hindi raw kompleto ang cast para sa farewell episode nila.

Samantala, ang pamilya at pagpapatawad ang ituturo sa manonood nina AiAi, Izzy Canillo, at Cherry Pie Picache sa Sabado (Nobyembre 9) sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best.

Matapos matagpuan ang Yaganaki treasure, mapipilitan si Joanna (Ai Ai) na ibigay ang lahat ng kayamanan sa karibal na si Lavender (Cherry Pie) upang mapalaya ang kaluluwa ng kanyang ina.

Ano ang gagawin nina Joanna at Kwatzy (Izzy) para mapigilan ang kasakiman ni Lavender? Sa huli, handa ba si Joanna na burahin sa kanyang puso ang galit na nararamdaman kay Lavender lalo na sa oras na kailanganin siya nito?

Tampok din sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Carla Martinez, Marco Gumabao, Michelle Vito, Jojit Lorenzo, Lui Villaruz, at Tony Manalo mula sa panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng Halloween special nina Ai Ai, Cherry Pie, at Izzy sa Sabado sa storybook ng batang Pinoy,  Wansapanataym, 6:45 p.m., pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …