Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, sa Kongreso na ang tuloy!

NAPADAAN kami sa set ng Madam Chairman last Tuesday at napansin naming very energetic si Sharon Cuneta sa lahat ng kanyang mga eksena. Hindi namin siya nakitaan ng pagod sa taping ng show.

Pati mga staff ay pansin naming nakangiti kahit marami ang mga eksenang kukunan.

Nagkaroon din isang thanksgiving celebration noong araw na ‘yun dahil sa overwhelming support ng viewers ng TV5 sa show, kaya naman daw maganda ang nairehistro nitong ratings at lalo pa raw dumarami ang commercial load.

Hindi namin naabutan ang eksenang napaluha raw si Mega sa tuwa dahil nga sa tinangkilik ng publiko ang kanyang kauna-unahang tawa-serye sa telebisyon. Hindi biro ang magpatawa ha.

By the way, may nakapagbulong sa amin na early January of 2014 daw matatapos angMadam Chairman, and kung matutuloy ang plano, magle-level up daw ang show at si Chairman ay tatakbo na raw sa pagka-kongresista kaya from Madam Chairman ay magiging Madam Chairman Goes To Congress na ang title ng tawa serye ni Mega.

Baron, depress na naman?

NAGHAIN ng motion for reconsideration ang actor na si Baron Geisler last July 17 sa Makati Municipal Trial Court kaugnay sa naging hatol na guilty sa kanya sa kasong acts of lasciviousness na isinampa naman ni Patrizha Martinez, anak nina William Martinezat Yayo Aguila.

Pero wala pang naging balita kung ano na ang kinahinatnan ng apela ni Baron.

Sa presscon ng pelikulang Sapi, inusisa namin si Baron tungkol dito. ”So far, no comment about it, but you know as I said, I’m praying na…na maging okay ang lahat. So, abangan na lang natin kung anong mangyayari.”

Positibo kaya siyang malalampasan niya ang hamon na ito sa kanyang buhay?

“We are not sure but were praying every day.”

Pero willing kaya siyang harapin kung anuman ang maging resulta ng kasong ito?

“O, yes, o, yes. Kung anong ibigay sa akin, tatanggapin ko.”

Natakot ba siya noong bumaba ang guilty verdict sa kasong kinasasangkutan niya?

“Hindi naman sa takot eh, I got a little depressed kasi parang it’s hard to say you know my side of the stories, my side of the story and you know I will stick with it.”

Bukod naman sa Sapi, may isang international movie si Baron na natapos na niyang i-shoot, ang Waves. Isang buwan daw halos ang ipinamalagi nila sa Palawan para matapos ang naturang pelikula.

Wish naman daw ni Baron na muling magka-proyekto sa telebisyon.

Go lang Baron!!!

Arniel C. Serato

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …