Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga Kwento ng Pasko, tiyak na aantig sa ABS-CBN Christmas Station ID

NAKAKIKIROT ng puso ang kwentoserye ni Nanay Baby, isang butihing ina na nakatira sa Isla Pulo sa Navotas at minsan ng naging pangalawang ina ng primetime princess na si Kim Chiu nang tumuloy ito sa kanyang tahanan dalawang taon na ang nakalilipas bilang bahagi ng programang I Dare You.

Sa kabila ng kahirapan ay nananatili si Nanay Baby na marangal at kumakayod sa maayos na paraan para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ipinapasa pa nito ang magandang prinsipyo sa mga anak at pinapangaralan ang mga ito na hindi bale gumapang sa hirap basta huwag lang gumawa ng masama sa kapwa.

Kaya naman nakatutuwang sinorpresa siya ng ABS-CBN, sa pamamagitan nina Kim at Xian Lim, sa handog nitong Mga Kwento ng Pasko webisodes. Ipinakita rito kung paano personal na bumisita ang KimXi loveteam sa simpleng tahanan ni Nanay Baby at nagbigay ng mga regalo.

Pagkakita pa lang nila ay nagkaiyakan na sila at nagpalit ng mahihigpit na yakap. Pagkatapos nito ay nagsalo-salo sila sa masarap na mga pagkain. Tinulungan din ni Kim si Nanay Baby na maglagay ng mga dekorasyong pang-Pasko sa kanilang tahanan.

Nangilid na talaga ang aking luha ng nagpasalamat si Nanay Baby sa lahat ng ginawa nina Kim at Xian sa pamamagitan ng pag-abot sa mga ito ng bracelet. Simple man daw ito ngunit galing daw ito sa kanyang puso.

Saludo talaga ako sa mga taong tulad ni Nanay Baby at saludo rin ako sa ABS-CBN sa pagbibigay pugay na ibinigay nila rito. Marami pang ibang nakaka-inspire na kuwento kasama ang ilang ABS-CBN stars ang matutunghayan sa http://pasko.abs-cbn.com. Bahagi ang mga ito sa nilulutong Christmas station ID ng ABS-CBN para sa taong ito na ilulunsad sa Nov. 6 pagkatapos ng TV Patrol.
Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …