Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaso ni Ka Fredie, madadaan sa maboboteng usapan

SIYEMPRE matindi rin naman ang sagot ng kampo ni Fredie Aguilar laban doon sa sinasabing mga kasong child abuse na isinampa laban sa kanya. Isa lang naman ang punto ng kanilang argument eh, masasabi bang abuse iyong payag naman ang bata, at saka pinayagan naman ng magulang?

Katunayan nga noong magpunta raw iyon sa Maynila na kasama pa ang nanay niya, roon sila tumira sa bahay ni Aguilar sa Fairview sa loob ng 12 araw.

Pero iyang kasong iyan, lumaki na lang nang lumaki eh. Ang nagkamali naman talaga riyan si Fredie eh. Sukat ba namang aminin pa niya na 16-anyos lang ang kanyang girlfriend. Kung hindi naman niya inamin iyon, hindi naman iyon lalabas sa publiko at siguro nga hindi na siya nagkakaroon ng problema dahil willing naman pala siyang maghintay ng dalawang taon pa bago niya pakasalan ang kanyang batang nobya. Eh inamin niya eh, ‘di pinag-usapan. Dati ba nagkaroon siya ng ganyang problema?

Ngayon hindi mo naman mapipigil iyong ibang ahensiya ng gobyerno na makialam. May mandato sila ng batas eh, at saka naghahanap nga ng magagawa ang mga iyan ngayon para masabing may nagawa naman sila, medyo mabaho ang image ng gobyerno eh.

Tingnan ninyo ang ginagawa ng mga tauhan ng gobyerno, hinarang pa iyong tulong ng Red Cross doon sa mga biktima ng lindol sa Bohol, libo-libo ang apektado. Tapos nagpunta roon si PNoy, nagbigay ng relief goods daw sa 160 pamilya lamang. Eh iyong DSWD ano ang ginagawa? Bilyon ang budget niyan ha. Kaya naman ngayon gusto nilang mag-imbestiga sa kaso ni Freddie, at least masasabi nga namang may pinupuntahan ang pera ng bayan. Hindi sila natutulog sa pansitan. May ginagawa naman silang proteksiyon sa mga menor de edad na kagaya niong si Jovy Gatdula.

Ganoon lang ka-simple iyan eh, pero maski na anong tingin ang gawin namin sa mga umiiral na batas, kung talagang magkakatuluyan iyan eh may tulog talaga riyan si Freddie. Pero mga apo, baka naman makukuha iyan sa maboboteng usapan, ready naman siguro si lolo.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …