Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TomDen concert, ‘di tinao, chaka pa raw ang show

“REGGS, nanood ka ba ng concert ng ‘My Husband’s Lover’? Grabe, ang tsaka-tsaka, bakit ginawang concert? Dapat TV special na lang iyon. Dapat inilibre na lang nila iyon bilang pasasalamat sa mga sumubaybay sa programa nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Nakakaloka ang GMA 7,” email sa amin ng nakapanood ng concert ng buong cast ng nasabing programa.

Sinagot naming hindi kami nakapanood dahil unang-una walang nag-imbita sa amin at higit sa lahat, hindi namin alam na nag-concert pala.

Nagtanong kami mismo sa mga publicist ng GMA na nakapanood ng concert at ito ang sabi sa amin, ”actually, hindi nga maganda ang show, ewan ko ba kung bakit ginawang concert. Sana nga libre na lang para maski paano napuno, eH, hayan, kaunti lang tao, pinapasok na nga ‘yung iba. Ka-cheapan!”

Dagdag  pa, ”sayang nga effort ni Kuh (Ledesma) kasi siya lang talaga ‘yung kitang-kitang nagtawid ng show, naku, ewan!”

Sabi nga namin sa aming kausap na sana ginaya nila ‘yung Walang Hanggan Pasasalamat concert nina Coco Martin at Julia Montes na ginanap din sa Big Dome ilang taon na ang nakararaan bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa serye na inabot halos ng isang taon.

“Eh, akala kasi ng GMA, ganoon karaming manonood ng ‘My Husbands Lover’ kasi nga talk of the town, eh, kung inilibre nila, tiyak simpuno rin ng ‘Walang Hanggan’ ang Araneta (coliseum),” sabi naman sa amin.

Pero mukhang patok ang album nina Tom at Dennis dahil malakas daw ito sa I-Tunes. (Naku Reggs, dahil nga sa ‘di tinaong concert na ito, kinakabahan nga raw ‘yung producer nila sa Amerika, baka raw kasi ‘di rin tauhin—ED)

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …