Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lui Villaruz may edad ang peg na girl

MATAGAL nang hiwalay sina Lui Villaruz at Angel Aquino. Ngayong naiuugnay naman si Lui sa komedyanang si AiAi delas Alas ay di puwedeng hindi mabanggit ang name ni Angel dahil matagal na naging sila ni Lui. Ang maganda kay Angel kahit na hindi naging maayos ang hiwalayan nila noon ng ex na TV host-actor (Lui) ay wini-wish pa rin niya ng goodluck. Ibinida pa na maraming pwedeng matutunan si Ms. Ai sa dating karelasyon pagdating sa pagbibigay ng freedom at independence lalo na sa mga usaping pagmamahal sa sarili. Balitang siya rin ang dahilan kung bakit naging madaling nakagaanan ng loob ng Comedy Concert Queen si Lui na umano ay inuumpisahan na rin siyang ligawan. Well, we cannot blame them naman lalo na kung ang talagang peg sa girl ni Lui ay ‘yung may edad na. Sana this time ay hindi na muling magkamali si AiAi sakaling maging sila na ng ex-dyowa ni Angel, lalo pa’t bata rin siya na tulad ng pinakasalan at nakahiwalayang si Jed Salang.

‘Di talaga natuturuan ang puso gyud!

“THAT’S MY TAMBAY” NG EAT BULAGA MAGBIBIGAY INSPIRASYON SA MGA MANONOOD

Last Thursday ay inumpisahan na ng Eat Bulaga ang bago nilang Pakontes sa ere na “That’s My Tambay.” Maganda ang layunin ng EB Dabarkads at pamunuan ng show sa nasabing segment na magbibigay ng chance sa lahat ng mga Dabarkads nating Tambay na maliban sa kanilang pagiging tambay ay puwede rin silang umasenso sa pamamagitan ng pagsali nila. Yes, ang premyong cash na puwedeng mapanalunan ng daily winner, weekly finalist hanggang Grand Finals ay puwede nilang gamitin sa paghahanap ng trabaho o kaya sa pag-aaral. Na sa pamamagitan ng Bulaga ay matutupad ang isang pangarap na magbibigay ng ka- luwagan sa buhay. Kaya kung ikaw ay isang tambay, mag-audition na sa Broadway Studio, Lunes hanggang Biyernes from 3 to 5 p.m. at ipakita ang inyong angking talent. So galingan n’yo para maging part ng “That’s My Tambay.”

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …