Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, tanggap ng pamilya ng italyanang GF

(‘Di rin daw minamaliit ang basketball cager)KUNG ano-anong superlatives na ang sinabi ni James Yap tungkol sa kanyang girlfriend na si Michaella Cazzola, na iyon ay caring, maalaga, mahusay makisama at kung ano-ano pa. Hindi rin naman siguro natin maikakaila na kaya na-in love iyang si James kay Michaella eh talaga namang napakaganda niyon. Iyan iyong klase ng babaeng masasabi mo ngang talagang “hayop sa ganda”. Kahit na sino naman, maaaring ma-in love kay Michaella, at siguro masasabing suwerte na nga si James dahil sa kanya naman na-in love iyon.

Pero ang talagang masasabi nating pinakamahalaga siguro sa kanyang nasabi ay ang katotohanang nakakasundo ng kanyang girlfriend ngayon ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan. Iyan ang isang napakalaking factor sa isang relasyon. Ano man ang sabihin mo sa inyong relasyon kung hindi mo makakasundo ang pamilya ng asawa mo, tiyak iyon ang pag-uugatan ng hiwalayan.

Ang maganda pa, tanggap din naman si James ng pamilya ni Michaella, na pinagsikapan din namang makilala ng star cager at pinuntahan pa nga niya sa Italya. Eh mababait namang talaga iyang mga Italyano eh.

Ang isa pang nakikita naming key o susi sa magtatagal nilang relasyon ay dahil sa hindi minamaliit si James sa relasyong iyan. Iyon ang isang matinding bagay sa isang lalaki, iyon ang asawa niya ay nakikipag-paligsahan pa sa kanya. Natural lang naman na ang gusto ng isang lalaki na maipakita niyang siya ang nagdadala ng kanilang pamilya. Lalaki siya eh.

Palagay namin iyan ngang lahat ng katangiang iyan ang natagpuan niya kay Michaella kaya makikita mo naman na masayang-masaya na siya ngayon sa kanyang buhay.

Buhay ni Raymart, mas naging okey ngayon

ANG isa pang napansin nila na mukha nga raw naka-move on na sa kabila ng mga problemang kailangan pa niyang harapin ay si Raymart Santiago. Aminin na natin, marami pa ring problemang hinaharap si Raymart dahil sa mga demandang isinampa laban sa kanya, at isinampa naman niya laban sa kanyang asawa. Pero dahil sa nangyaring iyon, nailabas na niya ang dati ay itinatago-tago lamang niyang mga problema, at palagay namin iyon ang nagbigay ng malaking kaluwagan sa kanyang loob.

Kaya nga marami ang nakakapansin na parang mas magaan nga raw ang dating niya ngayon, mas nakapagbibiro at nakikipagtawanan na sa kanyang mga kasama sa trabaho, hindi kagaya noong mga nakaraang buwan na halata mong masyadong seryoso dahil siguro sa mga problema niyang hindi naman niya mailabas.

Kaya nga marami ang naniniwala na mas ok pa ang nangyari sa buhay ni Raymart.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …