Saturday , November 23 2024

Planong pagpapakasal with Alyssa

Samantala, tinanong namin si Charice kung may plano ba silang magpakasal ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano sa Amerika na legal ang same sex marriage?
“Siyempre hindi po ngayon at hindi next year at the same time, ayoko pong magsalita ng tapos.

“Naisip na po namin at napag-usapan, ‘ano kaya, kailan kaya tayo magpapakasal’ mga ganyan po, pero hindi ‘yung anong kulay (motif) o ganito. Napag-usapan namin kung saan magse-settle at kung saan magtatayo ng bahay at kung saan tatanda.”

PAGBUBUNTIS NI ALYSSA

Sumunod na tanong ay kung may plano silang mag-ampon o magkaroon ng anak?

“Adopting or there’s another way, ‘yung in vitro (fertilization) ba ‘yun?” kaswal na sabi ni Charice at dinugtungan namin kung sino ang magbubuntis dahil si Aiza Seguerra ay willing magbuntis, “ay siya (Alyssa) po, ha, ha, ha, ha,” masayang sagot ng singer.

“Alam n’yo po, kung kinakailangan, gagawin ko po (magbuntis) kaso ang sabi niya (Alyssa) sa akin, gusto niya (magbuntis) siya, pero kung kinakailangang ako, gagawin ko at saka kinukulit niya ako na ‘gusto ko kamukha mo.’

At dahil kinikilig si Charice kaya’t tinanong siya ng aming patnugot na si Ateng Maricris kung kinikilig sila ni Alyssa kapag napag-uusapan nila ang mga ganitong bagay, “siyempre po, ha, ha, ha, ang landi ‘no?” kinilig ding sabi ng singer.

Tinanong naming kung paano nasabi ni Charice na si Alyssa na ang ‘she’s the one’ gayung first time niyang magkaroon ng karelasyon?

“’Ay, nagkaroon na po rati pa, hindi n’yo lang alam,” sabay tawa ng singer, “nag-umpisa ko pong magustuhan si Alyssa 10 years old palang ako, so ganoon katindi ‘yung nararamdaman ko sa kanya,” pag-amin sa amin ng singer.

ONE VOICE CONCERT PARA SA BOHOL

Sa kabilang banda, maraming nagtanong kung bakit ang Bohol ang napili ni Charice na maging beneficiary sa up-coming concert niyang One Voice na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa November 4.

“Bago po kasi mangyari ‘yung earthquake, nandoon po kami sa Bohol, one week. Hindi po ako taga-Bohol, sabi ko kasi sa manager ko, gusto kong magbakasyon kasi anniversary namin ni Alyssa.

“First time ko po sa Bohol kaya sabi ko sa manager ko, gusto kong pumunta kasi gusto ko pong makita ang Chocolate Hills.

“At kaya po espesyal sa akin ang Bohol kasi sobrang na-touch ako sa mga tao dahil sobrang (mababait). Kasi po, may mga taong taga-Manila, sorry to say, pero alam naman nating may ibang tagilid ang mga ugali (maarte, mayabang) ganyan, parang doon (Bohol) sobrang totoo sila, mababait, friendly. Masasabi mo o mase-separate mo talaga ‘yung mga taga-Bohol at taga-Manila.

“First night palang, pinaka-memorable sa akin, nag-traysikel ako tapos may mga nakakilala sa akin, kumakaway sila, (binanggit ang pangalan niyang Charice), tapos sabi ni Manong (drayber), ‘o, may mga kakilala ka pala rito, eh’ tapos sabi ko, ‘hindi po, fans ko po sila’ tapos sabi niya (drayber), ‘fans, bakit artista ka ba?’ Hindi niya ako nakilala.

“Tapos sabi ni Alyssa, ‘ano po si Charice po ito’ tapos sabi ni manong (drayber), ‘eh, pu.. si Charice ka pala’.

“Gusto ko kasi ‘yung ganoong feeling na kapag nakikita ka, they don’t care what you are, they don’t care kung who you are. Kasi madilim po noon, kaya na-surprise ako na nakilala ako ng mga nagmo-motor, naunahan lang po namin sila tapos maya-maya kasunod na namin sila, mga estudyante gabing-gabi na naglalakad.

“Na-touch ako kasi the way they treated me, hindi ko sila kakilala pero feeling ko na sobrang close ko na sila kaagad.

“Siguro ‘yung iba, sasabihin, I’m just saying this kasi may concert ganyan, pero kasi noong nalaman kong nangyari ‘yun (lindol), nagpunta rin kasi kami sa Baclayon Church, nakita ko ‘yung picture, nakita ko ‘yung before and after, sabi ko grabe (kay Alyssa), nakatayo tayo r’yan, nagpa-picture pa tayo r’yan, tapos ngayon halos wala ka ng ma-recognize sa ibang parte ng church,” mahabang kuwento ni Charice.

PAGTIRA SA BOHOL

“Sa Bohol ko po na-realize na gusto kong tumira roon, maski na nagkaroon ng earthquake, eh, mauudlot ang plano ko. Kaya ko po gagawin ang concert na ito kasi gusto ko pong makatulong para mapabilis ‘yung pag-recovery po nila, especially mga building na nasira, mga taong nangangailangan ng tulong,” sabi pa.

Idea raw ng singer ang benefit show na One Voice at tinanong daw niya ang manager niya kung paano siya makatutulong at naisip nga niya ang magpa-concert, pero na-stress siya dahil alam niyang mahirap kumuha ng mga taong makakasama sa show.

“Siyempre po, mahirap mag-isip ng mga taong tutulong sa akin, siyempre direktor, ganyan. Tapos habang wala ako (Pilipinas) kasi nagkaroon ako ng show sa ibang bansa, hindi ko alam na nagmi-meeting na pala si kuya (manager niya) kasama sina direk Jeff, mga sponsor, sinurprise po niya ako,” kuwento nito kung paano nabuo ang show.

At walang tatanggaping talent fees ang lahat ng performers sa One Voice benefit show for Bohol ani Charice.

Tinanong namin kung Bohol lang ang napuntahan ni Charice na probinsiya sa buong Pilipinas dahil bakit masyado siyang na-amaze rito gayung marami naman siyang out of town shows dati pa.

“Actually, ‘yung mga tao po kasi, iba ‘yung naramdaman ko sa kanila. Ako po kasi mahilig mag-out of town para magbakasyon, first time ko sa Bohol, kumbaga ang malayo ko ng napupuntahan ay Tagaytay (City).

“Nag-Gen-San (General Santos City), nag-Cebu na ako, pero puro trabaho po kasi, hindi pa po ako nakapunta ng Palawan at iba pa,” katwiran ni Charice.

At sa Bohol lang talaga nakapag-unwind si Charice, “as in gigising ako na nakikita ko ‘yung beach, ganyan, first time po.”

At mas gusto raw ng singer ang Bohol kaysa Amerika na ilang buwan din niyang tinirhan.

“At first noong hindi pa ako nakakapunta ng Bohol, sabi ko gusto ko sa US, at first akala ko, roon ako magse-settle, kala ko roon ako (titira) kasi amazed na amazed ako (magagandang lugar) sabi ko rati gusto ko rito kasi ganito, ganyan, pero ngayong nagkaroon na ako ng chance to travel dito sa Philippines, the more ko na-realize na it’s best to stay here.

“Importante po kasi sa akin na titira ako sa isang lugar, importante kasi sa akin ang kapitbahay, importante po kasi sa akin ‘yung mga taong nakapaligid sa akin kasi po, siya talaga ‘yung nagde-define ng mood ko,” pahayag ng singer.

Aminadong malaking factor ang mga taong nakapaligid kay Charice simula noong nag-OUT siya, “yun din po ang na-feel ko ang acceptance sa Bohol. Kahit hindi nila ako kinakausap, nakikita ko sa mata nila na tuwang-tuwa silang nakikita nila ako ganyan, walang alinlangan kasi siyempre, maski saan naman ako magpunta, Manila or outside Manila, siyempre, I always experience na ‘yung mga tao ay titingnan ako from head to toe, minsan kaharap na ako may sasabihin pa.

“Sa three days nag-stay ako roon (Bohol), wala ni isang bumatikos sa akin, nagsabi sa akin na, ‘dapat ganito ka pa rin, dapat ganoon’, tell me what to do. Nandoon sila, airport palang talagang sinalubong nila ako, ‘welcome to Bohol’, tinour nila ako. And they just treated na parang I’m from there, ganoon,” kuwento pa ng singer.

NASUSUNTOK HABANG NAGPAPA-PICTURE

Natanong din namin kung maraming nagpa-picture sa kanya at kung hindi ba siya napagod dahil may ibang singers na umiiwas magpa-picture dahil napapagod daw silang ngumiti.

“Sa akin po kasi, hindi, napi-feel ko po ‘yung mood nila, halimbawa kapag alam kong tuwang-tuwa sila, nae-excite sila, I don’t mind, as in tuwang-tuwa pa akong nagpapa-picture sila.

“Pero napapagod din ako, pero ang ugali ko po, basta masaya sila (tao), maski nga maski nasusuntok na nila ako sa mukha sa sobrang saya nila, okey lang na nangyari sa akin when I went to Gen-San.

“Sobrang tuwa nila, nasuntok ako ganito, and I don’t care kasi to see them happy and I don’t get that everyday na kasi ganito ang status ko and they know everything and yet ganoon pa rin ang reaksiyon nila.

“Minsan naman, ‘yung iba kapag alam kong taking pictures of me because making fun of me, ‘yun ‘yung medyo nada-down ako at iyon ‘yung minsan na nami-misinterpret nilang suplada ako,” paliwanag mabuti ni Charice.

At nagpa-picture naman kami nina ateng Maricris at hindi naman napagod si Charice maski na ilang beses inulit ang click ng camera kasi out of focus, ha, ha, ha.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *