Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charice, sumaya ang aura at tumaas ang confidence sa sarili (Simula raw nang mag-out)

NAKAALIW interbyuhin si Charice dahil marami na siyang kuwento at masaya na ang aura ng mukha, hindi katulad dati na parating nakasimangot at parating galit kapag may mga tanong na hindi niya gusto.

May dahilan naman kasi ang international singer kung bakit antagonistic dati ang ugali niya sa entertainment media.

“Siguro ‘yung malaking pagbabago po sa akin simula noong nag-come out ako, nagkaroon ako ng confidence, ‘yung freedom na wala na akong (pakialam).

“Dati kasi kailangan kong laging mag-ingat, may itatanong sa akin, kailangang isipin kong mabuti (sagot), ngayon parang wala na akong kailangang itago, wala na, alam na ng lahat ng tao ‘yung nag-iisang sikreto na itinago ko for how many years at sobrang happy ako ngayon,” pag-amin ng singer.

Tinanong namin na sa kaligayahang nadarama niya ngayon ay anong bagay ang makapagpapawala ng mood niya o ikagagalit niya.

“Ako po talaga, halimbawa kapag may mga nagpapa-picture sa akin tapos sasabihin na, ‘bakit hindi mo kasama ‘yung mommy mo’ eh, alam naman nila ‘yung sitwasyon.

“Para kasing (nakakaloko), parang ano ito, hindi nanonood ng TV, mapi-feel mo na nanadya lang, minsan sasabihin, ‘bakit hindi ikaw tanggap’ so, inisip ko, tara mag-hotel tayo at mahaba ang kuwentuhan natin.

“Kasi roon talaga ang makakapag (pissed-off), ngayon iniisip ko palang (medyo teary-eyed) ‘yun talaga ako ano, kasi huwag lang i-involve ang family ko. It’s okay to involved kung okay ‘yung sasabihin, pero kung medyo nang-iinsulto, ‘yun po ‘yung medyo (off). Buti nga walang lumalabas na video (inaasar siya) kundi mang-aaway talaga ako, joke lang po,” masayang kuwento ni Charice.

HINDI PA HANDANG MAGKITA

At dahil malapit na ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay may plano ba si Charice para sa magulang niya?

“Ahh, nae-excite ako, pero I know na hindi pa time kasi, siyempre I know my mom and hindi naman mawawala ‘yung role ko as a daughter na I’m still here, ganyan, pero siguro kaya medyo kalma na rin kasi pareho naming alam na nandiriyan kami sa isa’t isa at alam din namin sa sarili namin na pareho kaming hindi pa ready.

“The more we push it, I don’t wanna hear another rejection, ang sakit po kasi, kumbaga once is enough na I heard from her na she says no. ‘Not now’,” paliwanag ni Charice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …