Tuesday , January 7 2025

Meryll, napagkamalang bading ang BF

MAY inspirasyon si Meryll Soriano kahit balik siya sa pag-aartista para makapag-ipon ulit ng pera para maipagpatuloy ang kanyang kurso sa London na Production Design. Italyano ang BF ng aktres ng Sapi na  kasama niya sina Dennis Trillo at Baron Geisler. Ito ay sa direksiyon ni Brillante Mendoza na showing sa Nov. 6.

Noong una napagkamalan daw ni Meryll na bakla ang BF niya pero nadiskubre naman niya at sure siyang lalaki ito.

“Alam mo naman ang mga Italian, grabeng pumorma. May pagkabanidoso. Pero, sure ako, hindi ako matatanso!” tumatawa pa niyang pahayag.

Joel Mendez, may bagong career bilang pintor

MAY bagong career ngayon ang respetadong doctor na si Joel Mendez na kilala sa Mendez Medical Group at naging TV host ng travel show.

Kamakailan ay nagkaroon ng malaking painting exhibit ang Mendez Big & Small Art Companysa Serendra Aston, Taguig. Ang layunin nito ay palawakin at linangin ang husay sa pagpinta ng  mga potensiyal na pintor.

In fairness, ang gaganda ng paintings, walang tulak kabigin at ang huhusay ng kanyang artists.

Actually, nakatsikahan namin ang isa sa mga bankable artist ni Dr. Joel na si Aleah Angeles. Halos lahat daw ng ginawa niyang obra ay sold out na. Katunayan, ilan sa mga media & showbiz personality ay nakabili na ng kanyang paintings gaya nina Korina Sanchez, Julius Babao, John Lloyd Cruz at marami pang iba.

Ayon nga kay Dr. Joel, bukas sila sa mga gustong mag-apply, nais mag-aral o hubugin pa ang kanilang skills into arts. ‘Wag daw silang mahihiyang lumapit para mag-apply ng scholars sa mga clinic niya na Dr Joel Mendez or sa SM Megamall Gallery.

Sa naturang exhibit, nakita rin namin ang  child star na si Kyline Alcantara na mas kilalang Arlene ng teleseryeng Annaliza ng Kapamilya Network. Bata pa lang siya pero may hilig na rin siya sa paintings. Si Kyline ay hawak ng RGT Modelling Management na sumuporta rin sa exhibit ni Dr. Mendez.

Bekikang ni Joey Paras, pampawala ng stress

ANG daming artista na  nanood at sumuporta sa premiere night ng launching movie ni Joey Parassa Viva Films entitled Bekikang sa Megamall. Nakita namin doon sina Maricel Soriano, Iza Calzado, Dennis Trillo, Rafael Rosell at marami pang iba.

Havey ang Bekikang. Ang saya-sayang pelikula. Hanggang ending ay pinatawa niya kami at pinaiyak din. Sobrang dami ang itinawa naming at talaga namang nakawawala ng stress.

Nagtatawanan ang mga tao sa cameo role ni Maricel pero hindi rin nagpakabog si Dingdong Dantes. May pasabog din siya at tiyak tatawa rin kayo kay Dong.

May chemistry din sina Joey at Tom Rodriguez. Havey din sa pagpapatawa ang support ni Joey na sina Atak at Lassy. Malaki ang kontribusyon nila sa pelikula para sumaya ito.

Very positive ang ending ng Bekikang kaya pag-alis ng sinehan ay talagang nakangiti ka.

Maganda ang pelikula at talagang ibinuhos ni Direk Wenn Deramas ang powers niya rito bilang director. Naniniwala na kami sa sinabi niyang  after ng Tanging Ina, eto na ang pangalawang pinakapaborito niya sa mga pelikulang idinirehe niya.

Rito lang daw naulit sa Bekikang ‘yung gaya sa Tanging Ina na maiiyak ka at the same time ay  tatawa ka.

Hindi naman daw kailangang magselos at magtampo si Vice Ganda kung pangatlo lang sa puso ni Direk ang Praybeyt Benjamin dahil matalino itong tao at naiintindihan niya.

Oo nga naman!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

JohnRey Rivas

JohnRey Rivas katas ng teatro ipinagpatayo ng bahay 

HARD TALKni Pilar Mateo BAGO pumasok ang 2025, hindi natatapos ang kwentuhan namin ng bagong …

Daniel Padilla

Daniel ibinebenta na raw shares sa mga negosyo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya katotoo ang tsismis na sa pagpasok ng 2025 ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *