Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, ibinulgar na mayroon daw siyang abusadang ina at lasenggong ama

PANINIRA lang daw ang ginagawa ni Gretchen Barretto laban sa kanila. Iyon ang sinabi ng ermat niyang si Inday Barretto matapos na magsabi si Gretchen na kung hindi siya titigilan ng kanyang basher sa isang social networking site ay itutuloy niya ang pagbibigay ng iba pang detalye tungkol sa “molestation” at tungkol sa pagnanakaw ng alahas.

Pero wala siyang diretsahang tinukoy kung sino ang mga personalidad na involved sa kanyang sinasabing mga bagay na iyon.

Sa nabasa naming posting niya, tinukoy lamang niya nang diretsahan ang kanyang mga magulang sa pagsasabing nagkaroon siya ng isang inang abusada at isang amang lasenggo na pinagtatrabaho ang kanyang dalawang anak na babae para sa pamilya nila.

Iyong abuse na bintang ni Gretchen, at iyong sinasabi niyang paglalasing ng kanyang ama ay hindi sinagot ni Inday. Sa halip, ang sinabi niya ay hindi totoong nagnakaw siya ng alahas. Dahil ang alahas daw na iyon ay sa kanya, nawala sa sinasabing jewelry shop, pinahulaan pa raw at nakita namang muli at naisauli sa kanya. Sinabi pa niyang nang mangyari ang insidente ay eight years old lamang si Gretchen, meaning wala pa iyong alam kung ano talaga ang pangyayari.

Pero ang punto nga, hindi naman sinabi ni Gretchen na ang bagay na may kaugnayan sa alahas ay sa kanya ibinibintang. Medyo lihis yata iyon sa issue.

Iyon namang mga sinabi ni Gretchen ay dahil sa isang basher na walang tigil sa paninira sa aktres, na ang suspetsa niya ay isa sa kanyang pamilya. Nasasaktan din naman si Gretchen dahil pamilya pa niya ang sumisira sa kanya. Sinasabi niyang iyon ang dahilan kaya gumaganti na rin naman siya. May sinabi pa siyang 43 taon siyang nagtiis, pero ngayon ay talagang desidido na siyang lumaban.

Ewan nga ba kung bakit iyang away na iyan na nagsimula lang naman sa mga magkakapatid ay nahaluan ngayon pati ng away ng kanilang mga magulang.

Angel, naabot ang upscale market dahil kay Phil

INAMIN na lang ni Phil Younghusband na wala na nga sila ng dating girlfriend na siAngel Locsin, at nagpasalamat siya sa kanilang fans na nagpakita ng suporta sa kanilang naging relasyon. Ang mga sportsfan ni Phil, at ang mga movie fan ni Angel, ay pareho ngang sumuporta sa kanilang relasyon at ngayon ay nanghihinayang ng sobra sa kanilang split.

Kahit na si Phil ay isang football player, na hindi naman talaga dating spectator sports at hindi naman napapansin ng fans, aba eh akala mo matinee idol ang naging dating simula nang manligaw kay Angel. Kaya nga tingnan ninyo, mahirap ikaila na siya ang pinakasikat sa Azkals, kahit na pare-pareho naman silang mahusay maglaro.

Sa parte naman ni Angel, nakabuti rin ang relasyon dahil mas lalo siyang nakaabot sa upscale market na hindi naman niya naaabot dati sa kanyang career, dahil talagang ibinaba siya noon sa masa dahil iyon nga ang mas malaking audience ng mga pelikula at telebisyon.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …

Showbiz career ni Pearl Gonzales, tuloy sa paghataw ngayong 2026

AFTER mapanood sa “Manila’s Finest” na entry sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest …

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …