Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ Reyes, umamin na rin finally na split na sila ni Paulo Avelino

FINALLY ay umamin na rin kapwa sina LJ Reyes at Paulo Avelino na sila ay hiwalay na. Although sa panig ni LJ ay may pagpipigil pa at hindi direkta talaga, pero sa huli ay inamin ni-yang ang nag-uugnay na lang sa kanila ni Paulo ay ang kanilang tatlong-taon gulang na anak na si Aki.

Ilang beses namin nakapanayam noon si LJ para liwa-nagin ang isyung ito, pero maraming beses siyang umiwas sa press. Kaya lang marahil, napilitan na siyang magsalita ngayon dahil umamin na rin si Paulo.

Ayon sa aktres, ang priority nila ni Paulo ngayon ay ang kanilang anak. Pero inilinaw ni-yang walang third party sa nangyari sa kanila.

Pag-amin pa ni LJ, isa raw na nabatid niya sa kanyang sa-rili sa nangyari sa kanila ay ang pagiging matibay niya, dahil ani-mo bagyo raw ang pinagda-anan niya sa buhay.

Sinabi pa ni LJ na iniyakan niya nang matagal ang nangyari sa kanila ni Paulo, ngunit hindi raw niya pinagsisihan na minahal niya ang aktor.

Sa panig naman ni Paulo, sinabi niyang kung naging ma-ilap man siya sa pagsagot sa mga maselang tanong sa kanya ng press ay dahil isa siyang private person talaga.

“I just want my personal life away from public as much as possible,” saad ng aktor.

Nang usisain pa si Paulo sa kanyang kasalukyang status, ang sagot niya ay single and complicated. Paglilinaw pa niya, complicated daw dahil may anak na siya.

Arron Villaflor, nalungkot sa pagtatapos ng Juan dela Cruz

HINDI itinanggi ni Arron Villaflor ang kanyang pagkalungkot ngayong magtatapos na ang TV series nilang Juan dela Cruz na pinagbibidahan ni Coco Martin. Sinabi ni Arron na may nabuong friendship sa kanila habang ginagawa nila ang TV series na ito at iyon ang pangu-nahing rason ng nararamdaman niyang kalungkutan.

Ayon kay Arron, sobrang naging close na sila sa isa’t isa ni Coco na malayo sa nakikita sa kanila sa TV na magkaaway sina Kael at Juan. “Pero off-cam, para na kaming magka-patid niyan ni Kuya (tawag niya kay Coco), kaya sa mga eksena ay hindi kami nahihirapan.

“Heto nga naiiyak ako, kasi grabe talaga. Napamahal na kami sa isa’t isa, saka naging open na kami maging sa personal life namin, nagse-share kami.”

Ayon pa kay Arron, kahit tapos na ang seryeng pinagsamahan nila, magiging close pa rin sila at makasisingit pa rin na magkasamang muli sa ilang gimikan.

Idinagdag ni Arron na biggest break niya ang Juan dela Cruz at umaasa siyang sa pagtatapos nito ay magkakaroon ng kasunod na isa rin challenging na project. Lagi niya raw itong ipinagdarasal at tinitiyak naman ng actor na hindi siya mapapahiya sa tiwalang ibinibigay sa kanya dahil todo-bigay din siya sa bawat role na natotoka sa kanya.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …