Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin at Malak, nag-init sa kotse?!

TIYAK na marami ang maloloka sa mapapanood nila ngayong Huwebes sa Positive ng TV5. Ito’y dahil mapapapanood na ang sinasabing wild na wild na pagtatalik nina Martin Escudero at Malak So Shidifat!

Ang tagpong ito ay nangyari noong ‘di pa ikinakasal si Carlo (Martin Escudero) at malaya pang nakikipagtalik kung kani-kanino. Isa nga sa nakatalik ni Carlo ay ang kanyang katrabaho sa call center and sometimes booty call na si Miles (Malak So Shidifat).

Alam na ni Carlo na siya’y HIV positive, kaya naman iisa-isahin niyang alamin kung sino ang nakahawa sa kanya at ang una niyang suspek ay si Miles. Kung kani-kanino nga naman kasi nakikipagtalik itong si Miles dahil nasa ibang bansa ang kanyang boyfriend na OFW.

Nakaiintriga ang pagpapatuloy ng drama series na ito lalo’t naka-receive rin itong si Miles ng anonymous text message na nagsasabing magpa-test siya dahil positibo rin ang isa sa kanyang mga previous partner (ng HIV). Lalapit siya kay Carlo at hihingi ng tulong para samahan siya nitong magpa-HIV test.

At ng matanggap ang resulta, tumakbo si Miles sa rooftop at akmang tatalon!

Ano kaya ang resulta ng HIV test ni Miles? Ano ang magiging epekto nito kay Carlo? Tutukan ang lahat ng ‘yan sa first-ever HIV-themed drama series sa bansa, ang Positive, na napapanood tuwing Huwebes, 9:00 p.m. sa TV5!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …