Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apocalyptic theme ng soap ni Dingdong, mala-Bohol tragedy

THERE seems to have a confluence between what we see on TV at sa mga aktuwal na kaganapan sa ating kapaligiran sa totoong buhay. Take the case ng katatapos lang na bekiserye ng GMA. Just as the viewers (who were mostly beki themselves) were amused sa relasyon nina Eric at Vincent ay siya namang nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng dalawang beki na mabasbasan ang kanilang ilang taong pagsasama sa isang seremonyang idinaos sa New York.

Ang tinutukoy namin ay ang wedding vows sa isa’t isa ni Perci Intalan, dating boss ng TV5, at ng premyadong manunulat-direktor na si Jun Lana.

On a sadder note, mukhang nakiayon din ang apocalyptic theme ng bagong soap na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes sa nangyaring lindol sa Bohol na mala-end of the world ang kapinsalaang idinulot nito.

Willie, imposible nang mapabalik sa ABS-CBN

ISA marahil sa mga batayan ng pagkakaroon ng prinsipyo ng isang tao ay ang hindi na muling isubo sa kanyang bibig ang pagkaing kanyang idinura na.

Sa ganitong sitwasyon namin nais ilarawan si Willie Revillame, practically a jobless person now na namaalam sa kanyang programa sa TV5. From a financial viewpoint, hindi biro ang isinakripisyo ni Willie in giving up his show kapalit ng kanyang pamamahingang ni isang kusing ay hindi ikatataba kahit ng pinakamaliit niyang piggy bank.

But monetary gains—sa mas nakararami pa ring taong may pagpapahalaga sa prinsipyo—rank secondary kung amor propio o pride na ang pinag-uusapan.

Balita kasing sa pagkabaklas ng bubong ng tahanang masisilungan ni Willie, he’s crawling his way back to ABS-CBN. After all, it used to be his home until year 2010 when his ties with the Kapamilya Network had turned from sweet to sour to bitter.

Sa ABS-CBN ba ang pinagmulan ng balitang ito? But shouldn’tcommon sense dictate na imposibleng ilako ni Willie ang kanyang sarili na parang paninda sa bilao sa isang estasyong nakademandahan niya, at sa kasong siya ang nanaig sa bandang huli?

Sa isang banda, mapupulaan din ang ABS-CBN should it take Willie back. Ano ‘yon, after all the legal battle, ganoon lang ‘yon?

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …