Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wansapanataym, muling pinataob ang Vampire Ang Daddy Ko

HINDI kataka-takang marami ang tumutok sa Halloween special ngWansapanataym.  Pagsama-samahin mo ba naman ang mga naggagalingang artista tulad nina Ai Ai delas Alas, Cherry Pie Picache, at Izzy Canillo, ano pa ang mae-expect mo?

Kaya naman sa inilabas na release ng Kantar media noong Sabado (Oktubre 12) lumabas na pinakatinutukang weekend TV program sa bansa ang Wansapanataym Halloween special. Patunay dito ang datos ng Kantar Media  na naging no.1 overall weekend (Sabado at Linggo) TV program sa bansa ang unang episode ng Moomoo Knows Best taglay ang 30.9% national TV ratings, o halos 11 puntos na kalamangan  sa katapat nitong programa sa GMA, ang Vampire Ang Daddy Ko (20.6%).

Samantala, sa pagpapatuloy ng Moomoo Knows Best ngayong Sabado (Oktubre 19), unti-unti nang magbabago ang buhay ng pamilya ni Joanna (AiAi) ngayong mayroon na siyang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa. Paano matutulungan ni Kwatzy (Izzy) si Joanna sa tamang paggamit ng kanyang bagong extra-ordinary powers? Anong hamon ang haharapin ni Joanna sa pagdating ng bago niyang karibal bilang esperitista na si Lavender (Cherry Pie)?

Kasama nina AiAi, Cherry Pie, at Izzy sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Marco Gumabao, Jojit Lorenzo, at Michelle Vito. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Halloween special nina AiAi, Cherry Pie, at Izzy ngayong Sabado sa storybook ng batang Pinoy,  Wansapanataym, 6:45 p.m., pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …