Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, enjoy pa sa pag-aalaga ni Mariel, kaya wala munang baby

ALIW na aliw kami isang umaga sa panonood sa rating bad boy turned good boy na si Robin Padilla habang tsinitsika ito nina Martin Andanar at Erwin Tulfo.

Ang aga-aga kasing nagdiskusyon ang tatlo tungkol sa pork barrel pero gaya ng dati, ipinahiwaga ni Robin ang kanyang mga kataga. Sa paglalahad pa ng history ng pinag-ugatan ng epekto sa bansang Pilipinas na isyu.

Nilinaw naman ni Robin na ang anumang sinasabi niya eh, hindi pag-ganti sa mga taong nagka-atraso sa kanya in the past.

“Kabaduyan na ‘yun. Matatanda na kami!”

Dagdag pa nito, ”Kung nasasasaktan kayo at tila pagka-walang galang ang dating out of desperasyon lang ang lahat. At kaya ako nagsasalita eh, dahil ipinararamdam ko rin lang ang nakikita ko sa nangyayari sa ating Inang Bayan.”

Naaaliw din sa kanya ang mga kausap at ang inusisa nga eh, kung ano ba ang magiging tanong niya kay Janet Napoleskung sakaling maka-face-to-face niya ito?

“Yung tungkol sa apat na Senador… sino ba sa kanila ang may koneksiyon…?”

Sa paliwanag naman niya sa pinag-uugatan ng lahat ng ito—matatalo ni Robin ang isang historian sa mga sinabi niyang intrigahan pa lang sa panahon ng mga Kastila na ang pinag-uugatan na eh, pera.

Noon pa lang daw ay may awayan na sa pork barrel ang mga naiwanan ng pera ng mga lumayas na Kastila. At hindi na ito natapos hanggang sa ngayon.

“Ibinenta tayo ni Aguinaldo sa Espana…may nagpunta sa HongKong…kaya sino na lang ba ang laging nasasakripisyo?”

Kaya nga raw ayaw na ayaw na niya ng pork. At hindi na ito inihahain ng misis niyang si Mariel Rodriguez sa kanyang healthy meal.

And speaking of Mariel, mula nga sa History eh, dinala siya ng mga kausap sa Medical Science. Ang tanong eh, kung kailan na raw ba sila magkaka-anak ng kanyang seksing misis?

“Ako’y 43 na. Matanda na. Malalaki na rin ang mga anak ko. At ngayon ko rin lang naman madidiskubre ang pagpapalaki sa kanila. Na sumasabay sa aking pagtanda. With Mariel naman, ngayon pa lang kami nasa tugatog ng aming kaligayahan. Batambata ang misis ko. Kaya pagdating ng bagong bata sa buhay namin, kailangan na roon na niya mai-focus ang attention niya. Eh, ngayon nag-e-enjoy pa ako na ako ang inalagaan niya. Na ako pa rin ang baby niya. Na ako pa rin ang Hari niya.”

Ikaw na!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …

Showbiz career ni Pearl Gonzales, tuloy sa paghataw ngayong 2026

AFTER mapanood sa “Manila’s Finest” na entry sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest …

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …