Sunday , December 22 2024

Robi, blessings ang mga pagsubok na dumarating

SINA Jericho Rosales, Iya Villana, at Melai Cantiveros ang mga naging host sa season 1 ng realiseryeng I Dare You ng ABS-CBN 2. Pero sa bagong season nito ay hindi na silang tatlo ang mapapanood dito. Ang mga bagong host nito ay sina John Prats, Deniesse Aguilar, at Robi Domingo.

Sususubukin ng I Dare You Season 2 ang lakas at tibay ng damayan ng mga magkakasanggang ‘Celebrity Kakampi’ at ‘Bidang Kapamilya’ sa kanilang pamumuhay at pagsuong sa mga pagsubok ng magkakasama.

Ang mga Bidang Kapamilya ay mga karaniwang Filipinong araw-araw na hindi inuurungan ang mga totoong hamon ng buhay, gaya ng mga bumbero, sports coach, magsasaka, atleta, sundalo, traffic aide, guro at iba pa. Sila ang mga tinaguriang ‘unsung heros’ na walang sawang kumikilos at kumakayod para makatulong sa iba.

Kung ang Season 1 ay nakatuon sa mga pagsubok na kailangang malampasan ng celebrities upang manalo ng premyo para sa Bidang Kapamilya, nakasentro naman ang Season 2 sa pagbabagong sabay na haharapin ng dalawa para sa kanilang sarili, pamilya at komunidad.

Sa presscon ng I Dare You Season 2 ay nagbigay ng karagdagang impormasyon si Robi kung ano ang kaibahan at maaasahan ng televiewers sa bagong season nito.

“Itong ‘I Dare You’ na ito, hindi kami nagbibigay ng hamon just for the sake of it,”sabi ni Robi.

“Hindi namin inilalagay ‘yung contestants or mga Celebrity Kakampi namin sa kabaong. Hindi namin sila pasasayawin ng ganoon-ganoon lang.

“Itong  ‘I Dare You Season 2’, hindi lang isang araw itong  pinagdaanan ng mga contestant or Bida Kapamilya at Celebrity Kakampi, dumaan sila sa isang immersion.

“Tatagal itong proseso na ito para ihanda ang sarili nila sa bawat hamon ng pagbabago,” paliwanag pa niya.

Dahil ang I Dare You ay tungkol sa challenges, paano naman hinaharap ni Robi ang mga hamon ng buhay na dumarating sa kanya?

“’Yung mga pagsubok na tinatawag natin, hindi ko ‘yan iniisip o tinitingnan bilang pagsubok kundi isang blessing.

“Blessing para magawa ko ‘yung lahat ng bagay sa abot ng aking makakaya para ayun, mangahas na hamunin siya na lumawak pa ang aking karunungan,”

Ano ba ang pinakamabigat na hamon ng buhay na na-encounter niya na?

“Si Doc, ‘yung papa ko, nagkaroon siya ng congenital heart desease.  Kinakailangang operahan.

“Alam ninyo ‘yung kondisyon sa puso, kailangang vitamins lang.’Yun pala kailangan nang buksan.

“Hindi namin alam na anytime puwede na pala siyang mawala. That was 2006, bago pa man ako mag-‘PBB’ (Pinoy Big Brother).

“Kaunting araw na lang daw eh mawawala na sa piling namin si Papa. Pero ‘yung pagkakataon na ‘yun, na-overcome ko. Kasi kailangan lang pala talagang manalig sa Diyos.

“May plano Siya para sa ‘yo. At kailangan mo lang magtiwala.”

Rommel Placente

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *