Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, may grand fans day ngayong Sabado

ISANG engrandeng pasasalamat sa TV viewers ang ihahandog ng no.1 Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Juan dela Cruz sa Sabado (Oktubre 19). Kaya samahan ang powerhouse cast ng Juan dela Cruz na pangungunahan ng Drama King na si Coco Martin sa Juan Fun Day: The Juan dela Cruz Grand Fans Day sa Trinoma Activity Center, 5:00 p.m..

Kasama ni Coco sa pagpapasaya ng fans ang mga co-star niyang sina ZsaZsa Padilla, Gina Pareño, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Arron Villaflor, Neil Coleta, John Medina, Louise Abuel, John Regala, at Eddie Garcia.

Makikibahagi rin sa selebrasyon ang ilan sa pinakamahuhusay na singer sa bansa na umawit sa volume 1 at 2 ng Juan dela Cruz album. Kaya huwag palampasin angJuan Fun Day: The Juan dela Cruz Grand Fans Day sa Sabado at patuloy na tutukan ang huling dalawang linggo ng no.1 primetime series sa bansa na Juan dela Cruz, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter at i-like ang official Facebook fanpage nito na Facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …