Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PLDT Gabay Guro, malaking tribute sa mga guro (House and Lot at brand new van, ipamamahagi…)

NAKATUTUWA ang pagbibigay-pugay ng PLDT-Smart Foundation sa mga guro sa pamamagitan ng kanilang proyektong Gabay Guro (G2) kasabay ng pagdiriwang ng Teachers Month. Gagawin ang malaking pagdiriwang na ito sa Oktubre 26 sa MOA Arena.

Kaya naman tinatawagan na ang lahat ng mahal naming guro na makiisa sa sinasabing pinakamalaking tribute na ito ng PLDT at Smart na hindi lamang world-class performer ang makakasama sa araw na iyon kundi pati ang posibilidad na manalo sila ng bahay at lupa hatid ng Stateland Inc., at brand new van mula naman sa Foton. Magbibigay din sila ng livelihood packages at cash gifts.

Bale kung ilang taon na pala itong ginagawa ng PLDT at Smart na talagang ine-enjoy ng mga guro. Ngayong taon, magsisilbing host sa pagdiriwang na ito ay sina Edu Manzano at Derek Ramsay at makakasama nilang magbibigay kasiyahan sa mga guro ang mga artistang nagmula sa iba’t ibang network (take note, nabali raw ang network war sa proyektong ito). Nariyan sina Ryzza Mae, Anne Curtis, Judy Ann Santos, Marian Rivera, Jodi Sta. Maria, Martin Nievera, Pops Fernandez, at Rocco Nacino. Wala rin daw tinanggap na TF ang mga artistang nabanggit.

Dadalo rin sa pagtitipong ito si PLDT-Smart Foundation Chairman of the Board fo Trustees Manny V. Pangilinan at 2G Chairman Ms. Chaye Cabal-Revilla bilang pagbibigay suporta sa mga guro.

Ang Gabay Guro ay isang education arm and flagship project ng PLDT-Smart Foundation. Ito ay pinatatakbo ng mga volunteer mula sa executives ng PLDT Manager’s Club Inc., (PLDT MCI). Ito rin ay brainchild ng MVP’s VP for Finances, Ms. Revilla, at suportado ng PLDT-Smart Foundation ng Pangilinan group.

For the last six years, the Gabay Guro  has been in the business of  “changing the lives of those who changed ours” by focusing on the core program of the foundation benefiting the Filipino teachers. Ang core program nito ay nakatutulong din sa mga scholarship, training, housing, at educational facilities, livelihood program, broadbanding, at computerization at teachers tribute.

Para sa ibang impormasyon, mag-log-in sa www.gabaygruro.com o sa www.facebook.com/gabayguro.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …