Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, aminadong gusto at close kay Shaina

MATAGAL na naming alam na mahilig sa sports ang actor na si Piolo Pascual. Minsan na namin itong nakasalubong sa isang restoran kasama si Shaina Magdayao na kagagaling lamang daw nila mag-badminton. Bukod sa badminton, hilig din ng actor ang biking, running, at swimming. Sa hilig niya sa sports, hindi kataka-takang napapanatili ni Piolo ang ganda ng katawan niya dahil healthy living talaga siya.

Pero sa ngayon, mas nadadalas ang pagtakbo niya dahil na rin sa nalalapit na Sunpiology Color Run na project ng Sunlife Philippines. Ito’y gaganapin sa November 23, Saturday sa Bonifacio Global City at inaanyayahan niya ang ating mga kababayan na makiisa sa kanilang pagtakbo for a good cause kasama ang iba pang Star Magic celebrities.

Makakasama ni Piolo sa pagtakbo ang iba pang Star Magic celebrities tulad nina Dawn Jimenez, Joem Bascon, at Young JV. Apat na taon nang nakikipagtulungan si Piolo sa Sunlife sa advocacy na ito na ang proceeds nito ay napupunta sa Hebreo Foundation para tulungan ang mga mahihirap na kabataan na makapag-aral. Hindi  na mabilang ang mga napag-aral nila at maging ang aktor ay talagang nagdo-donate rin ng pondo sa foundation mula sa kanyang sariling bulsa.

Ayon kay Piolo, nahilig siyang tumakbo noong 2009 sa Timex na ang usual target daw nila ay 10km in an hour.

Sa mga interesado, mag-register sa www.sunpiology.com para sa run-and-party ticket sa halagang P250 to P800. Distances include 1K for kids, 3K, 5K, at 10K. Ang registration ay open sa lahat ng categories hanggang Nob. 15.

Samantala, itinanggi naman ni Piolo ang tungkol sa kanila ni Shaina na inurirat sa kanya ng entertainment press dahil sa picture na lumabas na magka-holding hands sila nang umalis sa Marikina Sports Center pagkatapos ng ASAP 18.

Ani Piolo, “We’re not officially together pero natutuwa naman ako kay Shai kasi she lets me do that to her kasi, affectionate akong tao, eh. Pero siguro, out of respect din ‘yun, it’s a gentleman’s ano, pero if there’s anything naman between me and her, I’m sure, lalabas at lalabas din naman ‘yun,” natatawang sagot ni Piolo na sinabing hindi niya alam kung paano ito sasagutin.

Sinabi ni Piolo na gusto niyang kasama si Shaina at close naman daw sila kaya wala naman daw masama kung magka-holding hands sila.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …