I asked Erik Santos sa kanyang press conference for his 10th year anniversary concert na InTENse sa PICC Plenary Hall sa November 9, 2013 kung hindi ba siya marunong magbigay ng second chances—sa kaibigan man o ka-relasyon?
Nauna na kasi naming napagtsikahan ‘yung tungkol sa mga relationship niya in the past na ang mas pinag-usapan eh, ang nasa showbiz siyempre na si Rufa Mae Quinto at ngayon eh sa isang Quinto (Angeline) na naman siya nali-link. Kaya nga isang katoto ang nagsabing mukhang may fixation siya sa mga Quinto.
Sabi ng Prince of Pop, “Angeline and I are really very very good friends. Kumbaga, ‘yun ang mas na-establish kaya whenever we are together, bonding talaga ang nangyayari. And I am privileged na pumayag siya to guest in my concert.”
Ilang mga non-showbiz entities din naman ang nakilala namin ng pahapyaw na nagkaroon ng bahagi o pitak sa puso niya.
“Mayroon nga na gustong bumalik. Kaso lang, tita ang point ko naman, kung hindi na nga nag-work out noong una, alam ko na ganoon pa rin ang mangyayari. Mauulit lang kung anuman ‘yung nangyari before. Non-showbiz, yes. Pero roon ka naman matututo sa mga nagdaraan sa buhay mo, ‘di ba? So, meant to be na lang siguro kung in the end kami pa rin pala. Pero ‘yung now na dahil gusto niya na magkabalikan kami and to make things work, parang malabo na kasi nakita ko na nga how it was.”
Kaya obviously, it might take a while bago pa man magpaka-seryosong muli sa isang relasyon si Erik. It can wait pa naman daw ng mga ilang years pa.
In his 10 years in the industry, nagpapasalamat si Erik sa mga moment na na-achieve niya as far as mga recognition is concerned. Basta ang makikita raw sa kanyang konsiyertong sinasabing pinakamahal sa lahat na ng nagawa niya, eh summarization of those 10 years—movie theme songs, teleserye theme songs and more.
This time, a more mature Erik din daw is ready na to face more challenges that will be served him in this decade. Inamin niya, noong bata-bata pa siya, madali siyang ma-insecure with the likes of Christian Bautista na later on, nalaman niyang ganoon din ang naging pakiramdam sa kanya.
Abangan what’s next in line with this guy na hahandugan na ng kanta niyang ‘kulang ako kung wala ka’. Sino ba kasi ‘yung gustong balikan siya?
US Ambassador Thomas, 2x ipinanood ang Alagwa ni Jericho sa mga kaibigan at kasamahan
I asked Jericho Rosales nang makausap namin ito sa press conference ng kasalukuyang napapanood sa mga sinehang Alagwa kung magtutuloy-tuloy na ba ang pagpo-produce niya ng mga makabuluhang pelikulang gaya ng nasabing proyekto, na pati ang US Ambassador na si Harry Thomas eh, rave na rave sa tema nito.
“There are actually so many things na I still want to accomplish especially now na ‘am back into being focused in being an actor again. Yeah. I will. I might. It all depends on the script. With my partnership with my director Ian Lorenos, I know hindi kami mahihirapan to get or look for the next project.”
Tungkol sa human trafficking kasi ang tema ng Alagwa na nilagyan ng kurot sa puso ni Direk Ian para mas maka-relate ang mga manonood at hindi mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga eksena nina Jericho at Bugoy Carino sa pelikula.
Kaya nga, dalawang beses pa itong ipinapanood ni Ambassador Thomas sa kanyang tahanan sa mga kasamahan niya sa embahada, pati na sa pamilya at mga kaibigan niya dahil gusto niyang mas marami ang makapanood sa intension ng pelikulang maibahagi sa kamalayan ng bawat tao.
Pilar Mateo