Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna, na-hurt nang pagbintangang dahilan ng hiwalayang Derek at Cristine

KASALUKUYAN kaming kumakain ng early dinner ng aming patnugot dito saHataw na si ateng Maricris V. Nicasio sa Grup Restaurant sa ELJ Building nang dumaan si Ynna Asistio patungo sa pictorial ng Christmas Station ID ngABS-CBN at sandali naming tinawag para iklaro ang tungkol sa kanila ni Derek Ramsay.

Kaagad namang nagpaliwanag ang dalaga tungkol sa kanila ng aktor.

“Medyo na-hurt lang po ako talaga sa (mga) tao kasi ang dami talaga (bashers), pero ngayong nakapagsalita na si Derek, ipinagtanggol ako, so thank you rin doon. Parang gusto kong sabihin sa mga tao, ‘o, ano ngayon?’ Ang dami talaga, kaya medyo nag lie-low din ako sa social media,” say ni Ynna.

Itinuturong si Ynna raw ang dahilan ng paghihiwalay nina Derek at Cristine Reyes.

Base sa kuwento ng batang aktres ay parati silang magkasama ni Derek sa lakaran bilang barkada at hindi pa raw girlfriend ng aktor noon si Cristine.

“Lumalabas po kami as barkada, hindi pa sila noon ni AA (tawag kay Cristine), hindi pa kami lumabas na dalawa lang po.

“Nagpunta ako sa opening ng website ng tito ko, na My Match, My Mingle parang ganoon and ‘yung pangalawang labas po namin, ‘yung FIBA, basketball, sinama niya ako, pero ang problema po kasi roon, kasama ko siya (Derek) sa chair, pero kasama ko po mga kapatid ko, pero nahiwalay kami. Kaya ang tingin ng tao, parang nag-date kami ni Derek,” kuwento pa ni Ynna.

Ayon pa kay Ynna ay nakapunta na siya sa bahay ni Derek sa Paranaque City at kasama niya ang mommy niyang si Nadia at mga kapatid niya.

Mas nauna raw naging close ng mama ni Ynna si Derek kaysa kanya dahil at that time ay kakahiwalay palang niya sa ex-boyfriend niyang si Mark Herras.

“Hindi po kami ganoon ka-close noon kasi kakahiwalay ko lang kay Mark, pero sila ni mommy matagal ng close, long time ago na at talagang naging barkada na kami,” say ni Ynna.

Ayon pa sa dalaga ay magkaibigan sila ni AA at nag-uusap sila ng aktres at alam daw nito ang relasyon nila ni Derek bilang magkaibigan lang kaya walang selosang nangyayari.

“Kaya nagulat ako sa isyu, feeling ko kaya ako nadamay kasi alam ng tao na lumalabas kami (Derek) bago naging sila (Cristine), parang ganoon,” say pa ng dalaga.

Samantala, in speaking terms na sina Ynna at Mark at magkaibigan na lang daw sila ngayon pero nagtanong daw ang aktor kung nanliligaw sa kanya si Derek at sinabi niyang hindi, saka lang tumigil.

So, nagseselos si Mark kay Derek, ”ay hindi ko po alam, tanungin n’yo po siya (Mark),” natawang sabi ni Ynna.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …