Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan, nakilala na ang lalaking lucky charm sa pagwawagi ng Miss World 2013

FINALLY ay nagkita na si Miss World  2013 Megan Young at ang life coach na si George Sison na nagturo sa kanya ng mantra na pinaniniwalaang nakatulong ng malaki kay Megan sa pagwawagi n’ya ng titulo.

Sa homecoming press conference ng Miss World 2013 noong Huwebes ng gabi sa Solaire casino-resort hotel naganap ang pagkikita ng dalawa. Actually, mga isa o dalawang oras pa bago opisyal na magsimula ang press-con ay nakapagpakilala na si George kay Megan sa labas ng Grand Ballroom ng Solaire pagkatapos na pagkatapos mainterbyu ng dalawang TV networks si Megan sa napaka-komportable at sosyal na sitting corridors ng Grand Ballroom.

Abala ang Miss World Philippines president na si Cory Quirino sa pakikipag-usap sa kung kanino kaya si George na lang mismo ang lumapit kay Megan at ipinakilala ang sarili.

Agad naman nagpasalamat si Megan kay George at maya-maya pa’y nagpakuha na sila ng litrato. Pagtapos niyon ay pinagpahinga muna si Megan para maghandang humarap sa press sa isang bahagi ng napakalaking ballroom.

Noong presscon, in-acknowledge ni Cory ang presence ni George. Actually, siya lang sa mga taong dumalo sa presscon ang in-acknowledge ni Cory, bagamat bisita naman si George at hindi isang reporter (bagamat personally ay alam naming magaling siyang magsulat).

Siyempre pa, kaupo nina Megan at Cory sa presidential table ng presscon siJulia Morley na presidente ng Miss World mula sa London. Napaka-soft spoken n’ya, parang sina Megan at Cory din.

“Beauty With a Purpose” nga pala ang tawag ni Ms. Morley kay Megan dahil sa mga gagawin nitong mga kawanggawa (charities and advocacies) sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Dumalo rin nga pala sa presscon na ‘yon bilang guest ang naging Miss Young Philippines International and later on ay Bb. Pilipinas-Universe na siJoyce Ann Burton (na maraming taon na rin namang Mrs. Titular). Naging newscaster din nga pala siya sa RPN-9 na, aniya, ay nagsara na.

Nakadalo rin nga pala kami sa victory dinner pagkatapos ng press-con, kasama ni George at ng Miss World Philippines make-up artist na si Jessie Mendez (na matagal na rin namang isang beauty salon magnate).

Dumating sa victory dinner na ‘yon ang dating First Lady na si Imelda Marcos.

Ngawit na rin siguro si Megan sa pagsusuot ng kulay blue na Miss World crown kaya’t hinubad na n’ya ‘yon noong dumating siya sa victory dinner mula sa pagbo-ball toast sa NBA games sa kalapit na SM Arena.

Nakatsika nga pala namin nang medyo matagal sa victory dinner na ‘yon ang napakahusay magsalita at very warm na ina ni Megan na si Mrs. Victoria Young. Naipagtapat n’yang kahit pareho silang nandoon ni Megan, halos sampung minuto lang daw silang nagkatabi at nagkausap. Nasa Bali rin pala siya nang nag-compete si Megan doon pero nasa audience lang siya, kasama ang ilang kaibigan, at malayo sila sa entablado.

Talaga raw magkabarkada lang sina Megan at Mikael Daez. Palagay ni Mommy Vicky (na “Mommy Miss World” na ang tawag ng iba) ay lalo nang hindi magkakapanahong magka-boyfriend si Megan dahil lubha nga itong magiging abala bilang Miss World 2013.

Dumalo rin sa victory dinner ang mga kapatid ni Megan na sina Lauren atVictor.

Regal na regal ang tindig, upo, kilos, ngiti, kaway at pagsasalita ni Megan noong Huwebes ng gabing iyon. Talagang naisakatawan n’ya ang mantra na turo ni George at ginamit n’ya pagbaba pa lang n’ya ng eroplano sa Bali: ”I am Miss World 2013.”

Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …

Showbiz career ni Pearl Gonzales, tuloy sa paghataw ngayong 2026

AFTER mapanood sa “Manila’s Finest” na entry sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest …

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …