Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, excited sa dramedy Madam Chairman ng TV5

HINDI maitago ni Sharon Cuneta ang excitement dahil ipalalabas na ang kanyang Madam Chairman sa TV5. Ang Madam Chairman ay bahagi ng paglunsad ng TV5 sa kanilang Everyday All The Way primetime programming. Bale ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon si Megastar ng isang isang dramedy.

Sa barangay-serye ng TV5, gaganap ang Megastar bilang Elizabeth “Bebeth” de Guzman, isang mapagmahal na asawa at mabuting ina sa kanyang mga anak na sa kalaunan ay magiging Madam Chairman hindi lamang ng kanilang tahanan kundi pati na rin ng buong Barangay Sta. Clara.

Gaganap naman bilang Dodong si Jay Manalo, ang salawahang OFW husband ni Bebeth na magkakaroon ng relasyon kay Beverly (Regine Angeles) na mula naman sa Barangay San Isidro. Matutunghayan kung paano kakayanin ni Madam Chairman na tumayo bilang ama at ina sa kanyang makukulit na mga anak na sina Bubuy (Akihiro Blanco), Kakay (Shaira Mae Dela Cruz), at Jun-Jun (Byron Ortile).

Tampok din sa Madam Chairman si Bayani Agbayani bilang Jojo Campomanes, ang ambisyosong manugang ng yumaong chairman ng Barangay Sta. Clara. Gagawin ni Jojo ang lahat para mapatalsik si Bebeth sa kanyang puwesto.

Magsisilbi namang TV comeback ni Ciara Sotto ang pagganap bilang Jingle, ang matalik na kaibigan ni Madam Chairman. Kasama rin si Nanette Inventor bilang Kapampangan-speaking auntie ni Bebeth na malapit sa mga De Guzman kids. May mga kaibigan din si Bebeth na mga barangay kagawad ng Sta. Clara na tutulong sa kaniyang patakbuhin ang Barangay Hall: ang relihiyosang si Cita (Malou De Guzman), ang taklesang si Hermes (Manny Castañeda) na mahilig sa mga beautification at sportsfest projects, at si Mery (Glenda Kennedy), na laging may handang payo para sa walang katapusang problema ni Bebeth.

Tampok din sa Madam Chairman sina Fanny Serrano, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Nanette Inventor, GillethSandico, Patani, Bearwin Meily, at Toby Alejar.

Ang Madam Chairman ay ididirehe ni Joel Lamangan, kasama ang award-winning scriptwriter-direktor na si Direk Joey Reyes bilang head writer, mapapanood ang  Madam Chairman simula  October 14, 7:00 n.g. sa inaabangang bagong primetime programming ng TV5 na  Everyday All The Way sa ganda at saya.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …