Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine ng Sexbomb, recording artist na!

NAKITA namin kamakailan si Sunshine Garcia ng Sexbomb na nagre-recording na siya sa ABS-CBN kaya naman biniro naming ito na singer na pala siya.

Tinanong naming ito kung para saan ba ang ginagawa niyang iyon o kung may album na ba siya? Ngumiti ito at sinabing para iyon sa  60th anniversary ng ABS-CBN.

Natuwa naman kami dahil busy sa ABS-CBN si Sunshine.

Napag-alaman pa naming halos dalawang taon na pala siya sa Banana Split at nabigyan din siya ng pagkakataon na maging regular sa Annaliza. Bale siya ang bestfriend ni Stella (Kaye Abad) sa teleserye. Sa rami ng raket, halos araw-araw ay nagtratrabaho si Sunshine.

Hindi naman daw siya nagrereklamo, bagkus nagpapasalamat sa rami ng blessings na dumarating sa kanya. Tuwing M-W-F ang taping niya ng Annaliza na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes at T-TH naman ang taping niya ng Banana Split na napapanood mula Lunes hanggang Sabado ng gabi pagkatapos ng Toda Max.

Napapanood din siya sa ASAP kaya naitanong namin sa kanya kung regular siya sa Sunday show?

Ani Sunshine, hindi pa sa ngayon pero wish niyang maging regular din sa ASAP. Sa Linggo, Oktubre 6, guest muli si Sunshine sa ASAP na mangyayari sa Marikina Sports Complex at saka naman sila magtutungo sa Quezon City Circle para sa Celebration ng 60th Anniversary ng ABS-CBN.

Giit ni Sunshine, ibinibigay niya ang lahat ng makakaya sa mga trabaho niya  dahil na-experience na nila ng kanyang manager na si Ms Joy Cancio na mawalan ng sariling teleserye at trabaho. Kaya kahit pagod at puyat, okey lang sa kanya.

Hiniling nga ni Sunshine noong birthday niya, Sept. 22, na sana’y magtuloy-tuloy na ang mga blessing na dumarating sa kanya at sa kanilang grupo.

Nagpapasalamat din siya sa  bumubuo ng Banana Split dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya. At sana raw ay magawa n’ya o masundan ang yapak ng kanyang idolong si Jean Garcia. Confident kasi ang dalaga na kaya niyang makipagsabayan ng acting kahit kanino.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …