Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek at Cristine, posibleng magkabalikan (Matagal kasing magsasama sa Hawaii)

IN speaking terms daw sina Derek Ramsay at Cristine Reyes maski na break na sabi sa amin ng aming source.

“Nag-break na talaga sila, pero nag-usap sila na friends pa rin sila kasi masyado silang pressured.

“Si Cristine, pressured sa maraming issues, like the sex-scandal videos nila ni Rayver (Cruz), which I don’t know if it’s true, tapos ‘yang tungkol sa gym instructor, kasabay pa ng shootings, she’s doing two movies pala at the same time, so pressured talaga.

“Si Derek, I think, he’s also do the same, shooting and taping at the same time, so pagod pareho.

“’Pag mainit ang ulo ng bawat isa, nagka-clash sila, kaya they decided to call it off, but they remain friends pa rin and all I know, speaking terms sila at nagkikita at nagkakasama pa rin sila.”

So, ano tawag sa friendship nina Derek at Cristine ngayon?

“Ha, ha, ha, ha I don’t know, ask them,” tumawang sabi sa amin ng aming kausap.

Ayon pa sa tsika, huwag ng magulat kung isang araw ay magkabalikan din sina Derek at AA (tawag kay Cristine) dahil matagal daw silang magkakasama sa Hawaii dahil may shows sila sa Pacific Beach Hotel (October 11), Waikiki, Honolulu (October 12), at Baldwin Theater (October 13) bilang guests sa Annebesyosa concert tour ni Anne Curtis na kasama rin si Ronnie Liang.

“So, posibleng makapag-usap muna sila before the shows kasi October 8 ang alis nila, so let’s wait and see na lang,” kaswal na sabi sa amin ng aming source.

Oh well, gimik ba ito para sa mga promo ng programa nina Derek at Cristine?

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …