Friday , December 27 2024

Ako pa rin ang Governor ng Laguna — ER Ejercito

“Ang ganda naman ang  birthday gift ko sa kaarawan ko, (Oktubre 5),” ito ang sambit ni Laguna Governor Jeorge (ER) Ejercito Estregan nang makatsikahan namin siya sa ginanap na Unity Mass sa Cultural Center ng Sta. Cruz, Laguna kasama ang maybahay na si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, mga konsehal, at media.

Base sa pahayag ni Governor ER, “nakagugulat at nakalulungkot na ako ay dini-disqualify ng Comelec, hindi ko pa po natatanggap ang nasabing desisyon ngunit kalat na kalat na sa balita at sa katunayan ay una ko pang nalaman sa media. Aalisin daw ako sa puwesto bilang gobernador ng Laguna dahil ako ay lumabag sa batas sa umano’y overspending.”

Sa nakaraang eleksiyon ng nasyonal at lokal ay nakakuha ng botong 549, 310 si gobernador ER sa Laguna at lamang siya ng 78,101 na boto sa katunggali niya.

Hindi raw ito matanggap ng katunggali ni ER kaya binalikan siya ng kasong overspending at sa Comelec daw kaagad ito isinumite ng walang due process.

“Hindi naman po ako mangmang sa batas, kahit paano ako po ay may sapat na edukasyon at karanasan upang malaman ang mga limitasyon ng batas,” katwiran ng gobernador ng Laguna.

Sa La Salle nagtapos ng elementarya at high school si ER, sa UP Diliman naman siya nagtapos ng kolehiyo at sa University of Asia and The Pacific naman niya kumuha ng masters degree.

“Hindi po ako bagito sa politika, may sapat naman akong karanasan dito, naging three term mayor ako ng Pagsanjan at bilang mayor ay nahirang ng dalawang beses ng Senado at DILG bilang isa sa Ten Outstanding Mayors of the Philippines at isa sa 15 Champion Mayors of the Philippines mula sa League of Municipalities of the Philippines.

“At ngayon ay nasa ikalawang termino na ako bilang gobernador ng Laguna  na nakatanggap ako sa unang termino ng Presidential Lingkod Bayan Award, ang pinakamataas na karangalang ibinibigay sa isang seerbisyo publikong lider na ipinagkaloob ng Civil Service Commission at ng Pangulong Bansang Pilipinas.

“Dahil sa mga ito ay alam ko po ang limitasyon ng batas sa eleksiyon at hinding-hindi kailanman ako lalabag dito tulad ng sinasabi nilang overspending. Ito ay panlimang kampanya ko na kaya alam na alam ko po ang limitasyon sa gastusin sa kampanya,” paliwanag mabuti ni Gobernador ER.

Base sa kuwenta ng gobernador ng Laguna, gumastos lamang siya ng P4,101,586.62 na hindi nahigitan ang budget na P4.5-M.

Hindi puwedeng magbigay ng detalye pa sa kaso si ER dahil pinagbawalan daw siya ng kanyang abogado dahil pending pa raw ito na nag-file sila ng Motion for Reconsideration noong Martes, Oktubre 2.

Ang kaunting paliwanag ni ER, “ang kasong isinampa sa akin ng aking katunggali ay kaso ng election offense dahil nga sa overspending at ang kaukulang kaso ay mai-file sa tamang korte at ang tamang korte sang-ayon sa section 268 ng Omnibus Election Code at ang Regional Trial Court.

“Ang ginawa ng abogado ng aking katunggali ay biglang binago ang kanyang cause of action, hindi lamang sa gitna kundi sa kahuli-huliang parte ng proseso, sa Comelec at panalangin na i-disqualify ako.

“At pinakinggan naman ito ng 1st division ng Comelec na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong sagutin ang kaso, inalisan ako ng karapatan sa due process na pino-proteksiyon ng ating konstitusyon.”

At dahil hindi pa bumaba ang hatol ng kaso, nanatiling si ER ang gobernador ng Laguna. Kaya naman nasabi niyang, “Ako pa rin ang Governador ng Laguna!”

Samantala, kung may pangit na birthday gift na natanggap si ER ay may magandang kapalit naman dahil ang pelikula niyang Boy Golden na nalaglag sa 2013 Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre ay nasa Magic 7 na dahil maraming umurong at may mga na-disqualify pa.

“Sobrang nagpapasalamat ako kasi hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos, kung may masamang balita, heto, maganda naman ang dating ng ‘Golden Boy’ at makakasama ko rito si KC Concepcion,” nakangiting sabi ni Governor ER.
Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *