Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivian, bilib sa pagiging aktres ni Jessy (Pero ‘di raw siya puwedeng sundan bilang Body Beautiful)

BILIB na bilib pala si Vivian Velez kay Jessy Mendiola—pero ‘di raw puwedeng sundan nito ang mga yapak n’ya bilang Miss Body Beautiful.

Ayon sa dating sexy actress, ang bagong star ng Maria Mercedes has the makings of a fine actress in her first starring role pa lang, kaya hindi raw ito puwedeng sumunod sa mga yapak n’ya.

“Puwede ring makilala si Jessy as Body Beautiful later on pero bago mangyari ‘yon, mari-recognize muna siya bilang aktres. So, in a way, magkabaligtad kami ng career path,” paliwanag ni Vivian noong press conference ng Maria Mercedes sa Plaza Ibarra restaurant sa Timog Avenue, QC.

Mangiyak-ngiyak si Jessy sa tuwa sa sinabi ni Vivian na gumaganap na kontrabida sa Maria Mercedes na magsisimula nang ipalabas sa ABS-CBN sa October 7.

Sa tunog nga pala ng pagsasalita ni Vivian ng gabing iyon, parang nagsisi siya na pumayag mabansagan noon na “Body Beautiful.”

“’Pag may tumatawag sa akin ngayon na Body Beautiful, naaalibadbaran na ako. It took awhile for me to shake off the title. And I’m glad na bago ako nag-quit many years ago, kahit na paunti-unti, nabigyan din ako ng roles na hindi ang pagpapakita ko ng katawan ang pinaka-exciting na challenge. At okey lang sa akin ngayon na villain roles ang inio-offer, dahil I find them more challenging,” lahad n’ya.

Sina Jake Cuenca at Jason Abalos ang leading men ni Jessy sa Filipino adaptation na ito ng isa sa mga Mexican telenovela na nagpasikat nang husto sa singer-atress na si Thalia. Nasa cast din nito in major roles sina Ariel Rivera, Nikki Gil, Vina Morales, Nadia Montenegro, Atoy Co, Alex Castro, at Isabel de Leon.

Sina Chito Rono at Ruel Agbayani ang mga director nito.

Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …