Friday , November 15 2024

Tugisin din ang iba pang contractor/operator na nagsiyaman sa pork barrel (Hindi lang si Napoles!)

00 Bulabugin JSY
ISA tayo sa mga umaasam na sana’y magtagumpay ang gobyerno sa kaso laban kay P10-billion pork barrel scam queen JANET LIM NAPOLES at sa lahat ng kanyang mga kasabwat.

Kapag nagtagumpay kasi ang pamahalaan sa prosekusyon  laban sa mga nandarambong ng pondo ng bayan, pwede nang isunod ang iba pang mga nagsiyaman sa PORK BARREL.

Ibig sabihin pwede na silang isalang sa imbestigasyon at malaking susi d’yan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Commission on Audit (COA).

Isa sa mga ibinubulong sa atin na dapat umanong imbestigahan ang biglang pagyaman ay ‘yung isang BIGTIME CONTRACTOR sa Region 5 na kung tawagin ay Z. KHO.

Si KHO ay kilalang-kilala sa REGION 5 lalo na noong panahon ni dating Pangulong GMA.

Ang kanyang EXPERTISE ay HARD PROJECTS. Ibig sabihin mahusay siyang KUMAMADA ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Region 5 at sa iba pang lugar sa Luzon at Visaya.

Super close kasi si Mr. Z. Kho kay FG Arroyo noon kaya madaling nakakukuha ng PDAF-DPWH project.

Noong 2008 elections, isang party-list pa umano ang sinuportahan  ni KHO dahil sa isang kaanak.

Isa ang nasabing party-list sa nakakuha ng malaking boto.

Sa isang report na nakalap ng mga nagbulong sa inyong lingkod tungkol sa mala-NAPOLES na yaman ni KHO, nabatid na noong 2011 lamang ay umabot sa P139 milyones ang nailaan sa infrastructure projects ng isang lalawigan sa Region 5, kung saan nakabase ang party-list na kanyang sinuportahan noong 2008 election and eventually ay binawian ng milyon-milyon mula sa PORK BARREL.

Noong 2012 naman, umabot sa P165 milyones mula sa PORK BARREL ng nasabing partylist ang inilaan na naman sa infrastructure project ng nasabi rin lalawigan sa Region 5.

‘Yan po ay sa isang party-list lang at sa isang lalawigan lang ng Region 5.

‘E paano pa ‘yung PORK BARREL mula sa regular congressman na pwedeng kakontrata rin niya para naman sa iba pang hard project sa iba pang lalawigan sa Region 5?

Ayon sa ating mga unimpeachable source dahil sa mala-Napoles na yaman ngayon ni KHO ay nakabili siya ng isang 5-star hotel sa Roxas Boulevard at nakapagpatayo ng isang world class beach resort sa kanilang probinsya.

Tsk tsk tsk … talagang maraming ‘nakapag-igib’ ng kanilang yaman sa PORK BARREL.

Sana ay sudsurin silang lahat ng administrasyon ni PNOY.

‘Yan ay kuing hindi pa nakadikit ngayon sa Aquino administration si KHO.

‘E ang bali-balita, malapit na malapit umano ngayon ‘yan sa Malacañang.

Gaya rin noong panahon ni dating Pangulong GMA na siya ay halos sanggang-dikit ni FG Mike Arroyo at mga anak na congressman.

May kasabihan, money begets money … pero dito sa ating bansa … power and money tends to corrupt, and absolute power corrupts absolutely.

Kaya lalong lumalaki ang agwat ng mahirap sa mayaman ay dahil sa hindi malutas-lutas na KORUPSIYON.

Kahit man lang sana mabawasan lalo na ‘yung ang mga ninanakaw ay pondong nakalaan para sa maliliit nating kababayan.

Paging BIR and COA, imbestigahan ninyo ang PDAF Project at yaman ni KHO!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *