Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, hindi totoong binasted ni Shaina (Kusa lang huminto ang actor sa panliligaw…)

NAGTATAKA ang both camps nina Shaina Magdayao at Sam Milby sa lumabas na balitang binasted ng aktres ang aktor kaya huminto na ito sa panliligaw.

Ayon sa kampo ni Shaina, “wala namang ganoon, hindi naman binasted ni Yna si Sam, magkaibigan nga sila, ang alam ko, kusang huminto si Sam kasi siguro alam niyang hindi pa handa si Yna mag-boyfriend ulit.”

Say naman ng kampo ni Sam, “nakagugulat nga kasi ‘yung teaser ng nagsulat, ‘binasted’ daw, tapos ‘yung sa buong istorya, hindi naman pala ganoon.

“Actually, hindi binasted ni Shaina si Sam, kusang huminto si Sam kasi napansin niya na parang mas gusto ni Shaina maging single pa at bilang respeto ni Sam, kusa siyang huminto to give more time to Shaina.

“At saka respeto rin for Piolo (Pascual) kasi kasagsagan din ng promo nila ng ‘OTJ’ (On The Job) tapos sina Shaina at Piolo pa lagi ang magkasama. Kaya si Sam na mismo ang umiwas, pero hindi totoong nabasted,” kuwento sa amin.

Kung hindi kami nagkakamali ay nasulat na rin namin dito sa Hataw na mismong si Sam ang nagsabi na huminto siya dahil nga sa tingin niya ay ini-enjoy ni Shaina ang pagiging single.

Anyway, bisi-bisihan ngayon si Sam sa shootings ng The Gifted kasama sina Cristine Reyes at Anne Curtis at Kimmy Dora 3 kasama naman si Eugene Domingo.

Arjo, may kasunod agad na teleserye (Pagkatapos ng Dugong Buhay…)

ANG Koreanovelang Pure Love ang next teleserye ni Arjo Atayde kasama si Alex Gonzaga, ito ang nabasa namin sa Kapamilya Gold website.

Kung hindi kami nagkakamali ay unang ini-offer ang Pure Love kay Jericho Rosales para makasama si Alex pero biglang nabago at ibinigay ang aktor kay Angel Locsin bilang leading man dahil tumanggi naman si Paulo Avelino na bisi-bisihan ngayon sa out of the country shows.

Light drama/comedy ang kuwento ng Pure Love at bagay daw ito kina Arjo at Alex say mismo ng taga-ABS-CBN kaya sila ang magkapareha.

Hindi pa malinaw sa amin kung sino ang magdi-direhe ng Pure Love dahil hindi naman binanggit pa.

Anyway, masaya ang batang aktor sa magandang nangyayari sa career niya dahil pagkatapos ng Dugong Buhay ay heto at may follow-up serye na kaagad siya.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …