Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, ibinitin ang viewers ng showbiz police (Ayaw sabihin kung nanganak nga si Sarah Lahbati at kung lilipat sa TV5)

GUESTS ang magkapatid na Richard Gutierrez at Ruffa Gutierrez sa initial telecast ng Showbiz Police ng TV5 last Saturday. Ito ang bagong showbiz talkshow na hosted nina Cristy Fermin, Raymond Gutierrez, Rep. Lucy Torres, at Direk Joey Reyes.

Sa naturang interview, ang utol nilang si Raymond ang natokang tsumika sa dalawa, na siyempre pa ay good move at nakatutuwang panoorin.

Anyway, ang isa sa inabatan kong tanong dito ay kung lilipat na nga ba ng TV5 si Richard at nang usisain ay ito ang naging sagot niya.

“Mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay, I’m very happy for you and you deserve all the blessings.

“Darating din ako kung saan ko gustong mapunta at mayroon din para sa akin. At iyan ang dapat abangan ng mga Kapatid na nanonood ngayon. Tignan natin, tignan natin, as of now, abangan-abangan n’yo na lang,” nakangiting saad niya.

Nauna rito, nagkuwento si Richard sa estado ng kontrata niya sa Siyete.

“’Mond you know what, I’m very happy to say na ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na ganito after 11 years of working straight, doing action, doing reality shows, travelling the Philippines doing different kinds of adventures, ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na makapagpahinga nang maayos…

“So, pinlano ko ito, sabi ko pagdating ng panahon magbe-break muna ako sandali and try to weigh my options and just relax a bit.”

Sinabi rin ni Richard na bago pa man mag-expired ang kontrata niya sa GMA-7 ay nag-offer na ito sa kanya, subalit siya mismo ang nagpasya na magkaroon ng long break at magbakasyon kaya hindi na raw sila dumating sa punto na nagkaroon sila ng negosasyon.

“Ako mismo nagsabi na sandali lang, gusto ko ng time-out muna at gusto kong magpahinga sandali. It Doesn’t mean na masama ang loob ko sa GMA, I’m very thankful sa GMA sa lahat ng mga project na ibinigay nila sa akin. Sa lahat ng opportunities na ibinigay nila sa akin for the 11 years na nandoon ako sa kanila, I’m very thankful and grateful to them,” wika pa ng kambal ni Raymond.

At nang dumating ang hinihintay na tanong para kay Richard, inusisa nga ni Raymond kung totoo ba na nadagdagan ang pamilya Gutierrez? Pero bitin ang naging sagot ng kakambal niya.

“Sandali, sandali wala sa usapan natin iyan, huh,” sagot ni Richard kay Raymond na pabiro pang umakmang tila magwa-walk-out.

“Alam mo ‘Mond, gusto ko talagang ikuwento ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, ang lahat ng mga nangyayari sa paligid ko, gusto kong i-share sa mga tao… But of course, like what I’ve said, I’m behind Sarah, I’m supporting her, she’s at peace right now and we can’t really discuss this things right now.  Darating ang panahon na masasabi at masasagot ko iyan sa tamang panahon, pero as of right now, we have to keep things this way,” bitin na sagot pa ni Richard ukol sa kanyang kasintahang si Sarah Lahbati na napabalitang nagsilang ng kanilang sanggol kamakailan.

Anyway, sa kabuuan ay maganda ang Showbiz Police at maganda ang combination ng mga hosts nila. Good choice si Raymond para makasama nina Ms. Lucy, Tita Cristy at Direk Joey. Sana ay ma-maintain nila ito na interesting ang live guests nila at ang mga showbiz news na kanilang inihahatid sa publiko.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …