HAHATAW na ang Cine Filipino Festival sa larangan ng pelikula. Sa September 18, magsisimula ang film festival na tiyak magugulat kayo dahil puro mga young writer and artist ang tampok dito. Sila ‘yung mga nakilala natin sa pamamagitan ng walong full length films at 10 short films na pagpipilian ninyo ng mga magagaling na artista, manunulat, direktor at iba pa.
Pawang mga baguhan sa larangan ng sining ng pelikula na ilang mga sikat na personalities ang kabilang tulad ng superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Ang Kuwento ni Mabuti. Si Angel Aquino sa Huling Chacha ni Anita, sina Jasmine Curtis Smith, Ian Veneracion, Eula Valdez, at Mercedes Cabral sa Puti at Ron Bryants Bungaleros, Tuesday Vargas her first lead role sa Ang Tunay na Turkey ay Pabo Rinat marami pang iba. Sina Nora at Angel ang magbibigay ningning sa Gala Night sa September 20. Sa September 21 and 22 ang Gala Night na mapapanood ang mga selected film entries sa Cineplex Shangrila Plaza Mall at iba pang sinehan, 5:30-6:30 p.m..
Pagkatapos ng festival, ia-announce ang mga winner ng mga the best sa eight full length films at 10 short films. Sponsors ang Cine Filipino ng mga sumusunod, PLDT, Smart, Media Quest, Studio 5 at Unitel Entertainment with Newport Cinemas of Resorts World Manila, Lucky Chinatown Mall at gateway Cineplex. Ang host sa Gala Night ng Cine Filipino ay ang Newport Cinemas kaya magiging big event ang September 18 na dadaluhan ng celebrities para sumuporta sa mga new talent in movie making. Mga baguhan pero matinik sa paggawa ng pelikula. Puro mga bagets pa halos! ‘Ika nga sa pamamagitan ng Cine Filipino, mabibigyan sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang kaalaman sa movie industry.
(LeTty Celi)