Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, nalungkot din na ‘di na matutuloy ang pagsasa-pelikula ng Be Careful

KUNG marami ang nalungkot sa pagwi-withdaw ng Star Cinema para sa Be Careful With My Heart:The Movie sa Metro Manila Film Festival, nalungkot din dito ang isa sa bida nitong si Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Jodi sa isang interview, hindi rin nila gustong hindi sila makasali sa natural festival. Subakit hindi nila saklaw ang desisyon ng management.

“Kami rin nalulungkot na kailangan umatras ng ‘Be Careful’ sa pelikula kasi talagang hindi kakayanin ng schedule. Iyon talaga ang naging problema,” paliwanag ni Jodi.

Pero nang tanungin sa aktres kung posible ba itong maisapelikula pa rin sa ibang pagkakataon, sinabi ng aktres na, “Posible pero hindi ko rin talaga alam kung ano ang final na plan. Hindi pa namin alam kung ano na ang usapan.”

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairperson Francis Tolentino na natanggap na niya ang sulat ng Star Cinema ukol sa pagwi-withdaw nito.

Ayon sa ABS-CBN film production outfit, hindi na nila itutuloy ang pagsasapelikula ng Be Careful dahil sa “tight schedule” ng cast at crew.

Ang Be Careful movie version ay ididirehe rin ni Jeffrey Jeturian, na siya ring director ng daytime soap.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …