Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dawn, angat na angat ang galing!

HINDI na talaga matatawaran ang galing ng isang Dawn Zulueta. Sa tuwina’y laging lumulutang ang kanyang galing sa mga teleseryeng kanyang nilalabasan sa ABS-CBN2. Ang husay niya’y ‘di malilimutan tulad ng naging pagganap niya sa Walang Hanggan.

Pagdating naman sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinagbibidahan din nina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Rayver Cruz, at Dina Bonnevie, hindi rin puwedeng hindi mapansin ang galing ni Dawn.

Dito sa BNLKM, kakaibang Dawn ang nakikita namin. Dahil na rin siguro sa kaibahan ng role niya bilang si Zenaida. Ginagampanan niya ang isang submissive at loving mom ni Migue (Gerald).

Sa Walang Hanggan, siya naman si Emily (Coco Martin’s mom), isang mabait na ina pero later on ay naging palaban. Sa BNLKM, iniba ni Dawn ang  atake sa kanyang role.

Nakatitiyak akong hindi lang ang mga inang tulad ni Dawn ang nadadala sa mga drama scene niya lalo na noong hinuli at nasentensiyahan na si Gerald. Ramdam na ramdam mo ang bigat sa dibdib ng eksenang iyon.

Masasabi naming, kahit ilang beses mong gawin ang isang role, pero kung alam mong gawin ang trabaho bilang aktres, hindi ka pagsasawaan ng tao. ‘Yun ang kaibahan ni Dawn bilang aktres. Mabuhay si Dawn dahil hanggang ngayon ay napapagtagumpayan niya ang pagiging aktres.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …