Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, pangarap magkaroon ng primetime teleserye

MORE than four weeks na ang naging extension ng hit teleserye ng ABS-CBN, ang Dugong Buhay na pinagbibidahan ng mahuhusay na batang actor na sina Arjo Ataydeat Ejay Falcon kaya naman labis-labis ang kasiyahan nila.

Hindi nga raw nito inaakalang magiging matagumpay at big hit ang Dugong Buhay ditto sa ating bansa gayundin sa TFC na consistent na number sila at kinabog ang ibang shows ng Kapamilya Network.

Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Arjo sampu ng kanyang mga kasamahan sa show sa mga loyal viewer ng Dugong Buhay. Naway patuloy daw na suportahan ang kanilang show.

Pangarap naman ni Arjo na magkaroon ng primetime soap after Dugong Buhay para naman masubukan niyang magkaroon ng regular primetime soap.

Cesar, nasasaktan na raw sa mga negative write-up sa kanila ni Sunshine

MAS nakatuon na lang daw at mas binibigyang atensiyon ni Cesar Montano ang kanyang trabaho, kaysa pag-usapan pa ang gusot na namamagitan sa kanilang mag-asawang si Sunshine Cruz-Montano.

Deadma na lang daw ito sa patuloy na bumabatikos sa kanya. Pakiusap nga niya sa mga taong patuloy na nanghihimasok sa problemang kinakaharap nilang mag-asawa na tantanan na sila dahil masyado na siyang nasasaktan. Naaapektuhan na rin daw ang mga anak niya sa mga tsismis na lumalabas sa kanilang dalawa ni Sunshine.

Alam daw ni Cesar na nasasaktan na ang kanyang mga anak sa nangyayari sa kanilang mag-asawa at ito raw ang labis na ikinalulungkot ng mahusay na actor.

Kaya naman ayaw nang pag-usapan pa ni Cesar ang tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Sunshine para ‘di na lumaki pa. Aminado naman  ito na habang nagpapalitan sila ng mga salita sa bawat interview nila tungkol sa tunay na estado nila bilang mag-asawa ay mas gugulo lang.

Kaya naman mas pinili na lang nitong manahimik na lang at nangangarap na sana raw ay matapos na kung anuman ang problemang kinakaharap nilang mag asawa.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …